Sa may Roxas kami napunta sa paghahanap ng inuman. Pagdating ay sandali muna akong nagpaalam para matawagan si Ems. Kring-kring kring-kring Hello babe? Darating ka ba? Ah nandito kasi ako sa Roxas ngayon medyo naaya ng barkada. Sumama muna ako saglit. So hinde ka darating? Baka hinde. Bakit baka. Ok lang naman kung hinde basta gusto ko yung sigurado, Gusto ko kasi pumunta, sige dadaan ako pero gagabihin ako ng konti. Ok? Ok. sige magluto ako dinner ha. Nakasalang naman na yung mga damit natin so wala naman ako masyado gagawin. Nakasalang din yung panapalambot kong beef. Sige babe. ingat ka dyan. Ikaw din. Pagbalik ko sa loob ay nakita ko sila sa isang sulok at naghihintay sa akin. Pre, anong gusto mo? tanong ni Bert San Mig lang pre hanggang 3 lang ako ha. 3 lang? madali tayo

