Ang lugar na sinasampayan ko ay malapit sa sala at bukas pa ang bintana kaya kahit paano ay nadidinig ko ang pinaguusapan nila. Maingat naman ang mga kilos ko kaya hinde nila alam na nandun ako. Pare anong balak mo hihiwalayan mo ba si Ems? Nabigla ako sa nadinig ko at napahinto. Kinakabahan ako sa maaari nyang isagot. Hinde ko nga alam kung paano. Eh si Myla anong balak mo lalo at alam nya na ang tungkol sa inyo? Nadinig kong tanong ni Arnold. Oo nga pre sinong pipiliin mo? Legal o other woman? tanong naman ni Bert. Mahal mo ba si Mareng Myla? Singit ulit ni Arnold. Mahal pare, mahal na mahal ko si Myla, alam nyo naman paano ko sya pinaglaban dati. Awwwts ang sakit nun ah. Pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Sabagay ito naman talaga ang gusto kong paghandaan. So pare ibig sa

