CHAPTER 1
Kleen POV
Kanina pa kami tumatakbo pero hanggang ngayon hindi pa rin kami makalabas-labas sa gubat na ito. Hindi namin alam kung saan kami lalabas. Hindi naming alam kung saan na kami pupunta.
Kailangan namin makaalis dito. Kailangan namin makatakas mula sa mga kamay niya.
"Konti na lang, Kleen. Makakalabas din tayo rito. Kaya mo pa ba?" Hinihingal na tanong ng boyfriend kong si Jeff habang sabay at magkahawak-kamay kaming tumatakbo at naghahanap ng paraan upang makalayo.
"E-Ewan k..o.. Pagod na p-pago...d na ako." Putol-putol na sambit ko. Hindi ko na talaga kaya pero kinakaya ko alang-alang sa buhay naming dalawa.
Habol ang hininga ay pinilit kong ihakbang ang mga paa ko kahit pakiramdam ko, anumang oras ay babagsak na ako sa lupa.
"Konting tiis na lang. Malapit---"
"AH!" Malakas na sigaw ko ng matapilok ako at matumba kaya natumba din sya dahil hawak nya ang mga kamay ko. "Aray! s**t! Ang sakit." Umiiyak na sabi ko.
Nawawalan na ako ng pag-asa. Malapit na akong sumuko.
Lumuhod naman sya sa harapan ko at pinunasan ang luha ko. Tumitig siya sa mga mata ko at ganoon rin ang ginawa ko.
Ang napakagwapo niyang mukha ay nababalutan ng putik. Naghahalo ang pawis ang luha sa mukha niya. Magulo ang buhok at mga matang namumula.
Napakagwapo niya pa rin kahit na pagod na pagod na ang hitsura niya.
Inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang mukha niya.+
“Mahal na mahal kita.” Patuloy ang pag-agos ng mga luhang saad ko.
Umiling siya. "Shh... Wag ka umiyak. Teka."
Muli siyang yumuko at hinawakan nya ang paa kong natapilok at saka inikot-ikot.
"A-Aray…” Mahinang daing ko.
Tumingin sya sa akin na namamasa na ang mga mata. "Kaya mo pa bang tumakbo?" Tanong nya.
Mabilis akong tumango at sinubukan tumayo pero natumba lang ulit ako. "K-Kaya ko ‘to. Sige na. Tumakbo ka na. Susunod ako." Nakangiting sabi ko pero sa loob, parang hinihiwa ang puso ko.
Hindi pwedeng pareho kaming mahuli. Kailangan na niyang maakalis dito.
"Sa tingin mo, iiwan kita dito? Para ano pa't minahal kita kung hahayaan kitang mapahamak dito? Kung mapapahamak ka, mauuna ako. Ako muna bago nila mahawakan ni dulo ng daliri mo."
"Mahal na mahal kita, Jeffrey. Mahal na mahal kita." Humahagulhol na sabi ko.
Muli siyang umiling. "Shh. Mas mahal kita. Kaya mong tumakbo ‘di ba? Makakaalis tayo dito, ‘di ba?"
Tumango ako saka tumayo pero nakarinig kami ng isang mabagal na palakpak at nanlaki na lang ang mata ko ng makita siyang naglalakad palapit sa amin.
"That’s so sweet. Sa sobrang tamis ng mga salitang sinasambit niyo, gusto kong sumuka." Nakangising aniya.
"Patakasin mo kami dito. Paalisin mo na kami. Pangako, hindi kami magsusumbong sa pulis." Pagmamakaawa ni Jeff.
Umiling ito saka pinagkrus ang mga kamay. Mataray ang pagkakatayo niya at hindinabubura ang ngisi sa mga labi. "Ano ako, tanga? Para ano pa't pinlano ko ito kung palalayasin ko rin kayong dalawa na tunay na pakay ko? Pinatay ko na nga ang mga kaklase natin para wala nang tetestigo tapos kayo, bubuhayin ko?" Tila nang-uuyan na tanong niya.
"Ano ba kasing kailangan mo!? Bakit mo ito ginagawa!?" Sigaw ulit ni Jeff.
Nasa likuran niya ako at mahigpit na nakahawak sa mga braso niya habang inaalalayan ang paa kong nasaktan.
"Ikaw ang kailangan ko! Bakit ba kasi hindi ako ang minahal mo!? ‘E ‘di sana hindi ko gagawin ito!"
Natigilan ako.
“W-What?” Tila hindi rin makapaniwalang tanong ni Jeff.
“Mahal kita, Jeffrey! Ikaw! Kayong dalawa! Dahil sa inyo kaya ko nagawa ang lahat ng ito!”
"D-Dahil doon?" Napapatangang tanong ko.
Hindi ako makapaniwala. Sobrang babaw ng dahilan.
"Oo! Dahil mahal ko ang boyfriend mo! Alam mo, sapaw ka lang eh!” Sigaw niya at tila nababaliw na napahawak sa ulo niya. “Masaya kami ni Jeffrey! Simula elementary, magkasama na kami. Pinilit ko na maging kaibigan siya dahil noon pa lang, gustong gusto ko na siya! Maayos ang lahat! Masaya ako kahit kaibigan lang ako! Pero nagbago iyon simula ng dumating ka sa buhay naming dalawa!” Muli niyang sigaw at nagpalakad—lakad paroo’t parito. “Nabago ang lahat noong dumating ka! Kinalimutan niya ako! Ako na kasama niya noon pa man! Ako na laging nariyan para sa kanya! Ako na handang ibigay ang lahat para sa kanya! Nawala ang lahat ng iyon ng dahil sa pagdating mo sa buhay naming dalawa!”
Hindi ako makapaniwala sa lahat ng naririnig ko.
“N-Nagawa mong patayin ang lahat ng kaklase natin, d-dahil sa pansarili mong dahilan?”
Patuloy ang pagtulo ng luha ko habang nakatitig sa kanya.
Muli siyang ngumisi at tumigil sa paglalakad. Tumingin din siya sa akin at agad akong napailag ng bigla niyang itutok sa akin ang hawak niyang baril.
“Oo. At ikaw na ang susunod.”
Napapikit ako dahil sa takot. Kung ito ang kapalaran ko, kung hanggang ditto na lang talaga ako, tatanggapin ko.
Pero muli akong nagmulat at binalot ng takot ang puso ko ng biglang humarang sa harapan ko si Jeff, tila pinoprotektahan ako.
"Sa tingin mo kapag pinatay mo si Kleen, mamahalin kita? Kahit sa kabilang buhay, siya at siya pa rin ang mamahalin ko! At ikaw? Ikinasusuklam kita! Isa kang mamamatay tao!"
Malakas siyang tumawa, tawa ng isang baliw. Nababaliw na siya. "Mamamatay tao ako, totoo ‘yon! Masaya ako, na mamamatay tao ako!” Madiing dagdag niya.
“T-Tama na. P-Patakasin mo na kami, parang awa mo na.”
Umiling ito saka ikinasa ang baril. Muli akong napaigtad dahil sa takot.
"W-Wag.. Wag. Wag si Kleen. Ako ang kailangan mo ‘di ba? Ako na lang. Patakasin mo na siya. Sasama na ako sayo. Please."
Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka.
"J-Jeff..."
"Sorry, Kleen. Ginagawa ko ito para sayo. Sorry. Sana mapatawad mo ako."
"N-No.."
"Sige. Bibilang ako.” Napatingin akong muli ditto, nananatiling nakatutok ang baril niya sa amin. “Sampu, kailangan nakatakbo ka na."
"J-Jeff.. N-no..." Umiiyak na sabi ko.
"One."
"Takbo na, Kleen. Bilisan mo na." He shouted at wala na talagang balak na samahan ako sa pagtakbo. Pabalang pa niyang tinabig ang kamay ko dahilan para makawala siya mula sa mahigpit na kapit ko.
"Jeff, ayoko." Sambit ko saka humagulgol.
"Two."
"Sabi ko, tumakbo ka na! Takbo na!"
"Ayoko!"
"Ten!"
Napapikit na ako ng marinig ko ang pagputok ng baril. Isa. Dalawa. Hanggang sa maging tatlo.
Pero agad din akong napamulat dahil wala akong naramdamang sakit. Walang tumagos nab ala. Walang dugo.
Pero tila nawalan ng kulay ang mukha ko at tila tumigil ang t***k ng puso ko ng Makita siya sa harapan ko.
"Y-You...re s-safe...." Nahihirapang sabi ng mahal ko na nasa harapan ko na.
Tumulo ang luha ko at halos hidi ako makagalaw ng bigla ay tumulo ang dugo mula sa bibig niya.
"J-Jeff..."
"Mah...al na maha..l kita. T-Tanda...an mo yan..."
"J-Jeff... No."
At humagulhol na ako ng unti-unti na siyang bumagsak sa lupa.
"JEFF! Jeff. Gising." Inalog-alog ko pa sya pero hindi na talaga sya nagmulat pa.
Tumingin naman ako sa kanya ng may nanlilisik na mga mata. Nagtutubig ang nga mata nya habang nakatitig sa wala ng buhay na si Jeff.
"Kasalanan mo." Matigas na sabi ko.
"Walang hiya ka, Kleen! Dahil sa iyo namatay si Jeff! Walanghiya ka! Mamamatay tao ka!"
"Bakit ako!? Ako ba ang bumaril, ha!? Ako ba ang desperadang nagagawang pumatay para sa taong hindi naman sya kayang mahalin!? Ako ba!? Huh!? Ako ba!?" Sigaw ko din sa kanya.
"Papatayin kita, Kleen! Papatayin kita!" At muli niyang itinutok ang baril niyang hawak sa akin.
Pero hindi na ako natatakot! Handa na akong mamatay!
Napapikit naman ako habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Jeff.
Magsasama na kami. Hindi ko siya hahayaang mamatay mag-isa. Sasama ako.
Tatlong putok ng baril ang muling umalingawngaw sa paligid. Pero muli, walang sakit. Wala akong naramdaman. Patay na ba ako?
Napamulat naman ako at agad na nanghina ang mga tuhod ko ng makita ang taong paulit-ulit na nagliligtas sa akin noon pa man.
"H-Harold..."
AND EVERYTHING WENT BLACK.