"Chapter 17" Sha-Sha's POV: Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog habang nasa byahe kami. Basta naalimpungatan na lang ako nung maramdaman kong may kumakalabit sa akin. "Hon... Hon gising na. Andito na tayo." Bulong na narinig ko habang tinatapik ng mahina ang pisngi ko at inuuga din ng marahan ang balikat ko. "Uungh.." Pag-ungol ko. Bagama't antok pa ay pinilit kong gumising. Bukas-sara ang talukap ng mga mata ko dahil nahihirapan akong imulat sya ng husto. Wala eh. Antok pa kasi talaga ako. At nung igala ko ang paningin ko napansin kong halos lahat ay bagong gising lang din kagaya ko. Nung sumilip naman ako sa labas ng bintana ay nakita kong madilim-dilim pa rin. "O ano, okay ka na ba? O gusto mong gisingin pa kita?! Hmmm... Bango. Uhmmm..." Malisyosong bulong ni Aleck sa

