"Chapter 14" Sha-Sha's POV: "Ssssssshhhh..." Sabi nya sa akin habang nakatapat sa bibig nya ang daliri nya. Nag-quiet naman ako. Then lumapit sya sa nakasaradong bintana. Yumuko sya ng kaunti tapos pinagaya nya rin ako. Dahan-dahan nyang inangat ang bandang ibaba ng jalousy. Bumukas iyon. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Ô_Ô Oh my ghad! Usal ko pa sa isip ko. Tama si Ally. Gwapo nga ang neighbor nila. Mukha syang artista. At ang macho nya. Sobra. Siguro mga nasa mid thirties na ang edad nya. "O diba? Sabi ko sa'yo eh." Nakangiti at may pagmamalaking sabi ni Allyssa sa akin with matching pagkindat ng mata. Hindi naman ako sumagot sa tinuran nya. Ngumiti lang ako bilang oagsang-ayon. "Sya si Kuya Zanjo. Ang gwapo no? Ang yummy pa hihihiiii..." Pagmamalaki nya. Hindi maitag

