"Chapter 12" Sha-Sha's POV: Pag-uwi ko ng bahay... "Manaaaang... Manaaang..." Tawag ko kay Manang Fe. Dumerecho na ako ng kitchen dahil alam kong andun sya. Nagpre-prepare sya ng food namin for dinner. "O Bunsoy dumating ka na pala." Sabi nya habang naghihiwa ng rekado. "Manang asan po sila?" Tanong ko. Pagdating ko kase ay hindi ko nakita maski isa sa mga Ate ko. "Aah--- Umalis sila. Si Cleo sinundo ng mga kaibigan nya. Si Pie at Yumi naman kasama ng mga bowa nila." Sagot nya. Uy! Si Manang o nakiki-bowa. Hehehe... "Ganun po ba. Ah sige po. Sa sala po muna ako. Manonood ng tv." Paalam ko then lumabas na ako. Pagdating ko sa sala ay agad akong naghalungkat. Asan na ba yon? Kanina pa ako naghahanap eh. Pero bakit hindi ko makita? Usal ko sa isip ko. Naka-ilang kalkal na ako. I

