"Chapter 22" Sha-Sha's POV: "Ang saya natin ah. Punit na punit." Puna ni Aleck nung mapansin nya ang magandang pagkakangiti ko. "Masaya lang po ako Honey ko." Sabi ko naman. "At bakit naman daw?" Tanong nya. "Eh kasi po sinabi ko na kay ate na nanliligaw ka sa akin. At--- (Long Pause) Pumayag po sya. Hehehe..." Masayang balita ko sa kanya. "Talaga?! Wow naman! Nice. Ang bait nga talaga ng Ate Cleo mo ano?" Komento nya. Nahawa na rin sya sa akin. Abot-tenga na rin ang ngiti nya. "Yeah. Sobra!" Sagot ko. "Dapat pala Hon sinabi mo na tayo na eh. Para legal na." Komento nya. "Saka na yon Hon. Darating din tayo don. Hinay-hinay lang okay. One at a time Honey Ko. One at a time." Sabi ko. "Eh Hon kay Allyssa sinabi ko na eh. Tuwang-tuwa nga sya. Sabi nya wag daw kitang lolokohin. Mahali

