Araw araw ng kasama ni Clara kapag lunch break at recess sina Samira at Trexie. Naging malapit na ang loob ni Clara sa dalawa. Paminsan minsan ay pumupunta sila Samira at Trexie sa music club para dalawin. Naging malapit na rin ang dalawa kila Chio, Ian at Edison. Minsan tuwing linggo ay nagtutungo sila Clara sa bahay nila Trexie para gumawa ng mga takdang aralin o proyekto. Minsan naman ay doon sila natutulog at pag sapit ng lunes at sabay silang pumapasok. Mabait ang magulang ni Trexie kaya tuwang tuwa naman sila ng malaman nilang may kaibigan ang kanilang anak bukod kay Samira.
Ngayong araw ng lunes ay nag e-ensayo sila Clara at Chio sa music club dahil sa biyernes na ang gaganapin na performance nila sa kanilang paaralan. Dahil sa buong week ang kanilang school foundation day lahat ng mag-aaral ay abala sa kanilang club. Dahil sa buong araw ay abala sila Clara halos hindi na niya kasama sila Trexie at Samira. Si Trexie ay busy sa pag dedecorate ng kanilang Marriage booth dahil myembro siya ng Art Club. Si Samira naman ay tumutulong sa pag aayos ng Horror booth. Sila Clara naman ay tapos ng ayusin ang kanilang photobooth at binabantayan naman iyon ni Edison at Ian. Dahil sila Clara at Chio ay Nag e-ensayo ng kanilang boses dahil tatlong beses silang kakanta sa Biyernes. "Kinakabahan ako sa Biyernes." Sabi ni Chio habang tinutono niya ang kanyang Gitara.
"Bakit naman?" Tanong ni Clara.
"Baka kasi may makalimutan ako, hindi ko pa naman ako sanay kumanta o tumugtog sa harap ng madaming tao." Sabi ni Chio.
"Hindi ba mag prapractice tayo mamaya sa stage?" Sabi ni Clara kay Chio tyaka siya nagpatuloy aralin ang musikang kakantahin nila. Plinano kasi nila Edison na mag-practice mamayang lunch break sa stage para hindi na sila mabigla sa Biyernes. Matapos silang mag ensayo pinuntahan nila si Edison at Ian upang tumulong sa kanilang booth. Matapos ang ilang oras na nagaasikaso sa kanilang photobooth, pumunta sila ng Canteen upang mag pahinga at mag meryenda. Habang busy si Clara sa pag gamit ng kanyang cellphone, nagulat na lang siya ng mayroong tumatawag. Nang kanyang isinagot narinig niya ang boses ni Trexie.
"Clara!!" Sigaw ni Trexie cellphone.
"Teka Trexie hinaan mo boses mo ang ingay" Ani ni Clara.
"Clara miss na kita, nasaan ka puntahan kita jan." Sabi ni Trexie kay Clara na para bang naiiyak na ang kanyang boses.
"Nasa canteen ako. Si Samira ba kasama mo?" tanong ni Clara.
"Oo, andito siya pinuntahan niya ako. Kaya hinahanap kita kasi si Samira pinuntahan ako samantalang ikaw hindi. Nagtatampo na ako Clara." Pangangatwiran ni Trexie.
"Pasensya na ang dami kasing tao kanina sa booth tapos nag practice pa kami." Sabi ni Clara na para bang nagkasala siya kay Trexie.
"HAHA joke lang Clara ko, Sige punta na kami diyan ni Samira bye bye." natatawang sabi ni Trexie bago patayin ang tawag.
Ibinaba ni Clara ang kanyang cellphone at tumingin tingin sa paligid. "Sino hinahanap mo?" takang tanong ni Ian ng napansin niyang lingon nang lingon si Clara.
"Sila Trexie at Samira, punta raw sila dito." Sabi ni Clara kay Ian. Napatungo na lang si Ian at nagpatuloy sa kanyang pagkain.
"Clara!" Malakas na sigaw ni Trexie kaya naman halos lahat sa canteen ay napalingon kay Trexie at sa kanya. Tumakbo naman papalapit si Samira at Trexie sa puwesto kung nasaan sila Clara.
"Hoy! ang ingay mo naman hindi naman mawawala si Clara." Sabi ni Chio nang nakalapit na sila Trexie.
"Miss ko na kasi si Clara eh." malambing na Saad ni Trexie kay Chio at agad niyakap si Clara na para bang mawawala na siya.
"Maupo kayo" sabi ni Edison kila Trexie at Samira. Umupo si Trexie sa tabi ni Clara. Si Samira naman ay umupo sa tabi ni Trexie at Edison.
"Kamusta yung inaasikaso niyong booth?" tanong ni Chio na nasa tabi ni Clara. "Maayos naman ang dami ring tao kanina. Pagkatapos kasi naming magayos nagsidatingan na." Kwento ni Trexie. "Kumain na ba kayo?" Tanong naman ni Edison. "Hindi pa e" sagot naman ni Samira. "Ano ba gusto niyong kainin?" Tanong ulit ni Edison at tinignan silang dalawa. "Pasta." maikling sabi ni Samira at ganun din kay Clara. "Sige, kunan ko kayo." Sabi ni Edison tyaka siya tumayo.
"Clara may gagawin ba kayo mamaya?" Tanong ni Trexie kay Clara.
"Meron bakit?" Sagot ni Clara.
"Wala foodtrip sana tayo mamaya." Sabi naman ni Trexie at mukhang nalungkot siya.
"Mag prapractice kami mamaya sa stage." Sabi ni Clara kay Trexie.
"Totoo ba? Omg manunuod na lang ako sainyo." Ani naman ni Trexie at mukhang na eexcite siya.
"Samira may practice sila mamaya sa stage, manuod tayo mamaya." Sabi naman Trexie kay Samira.
"Oo Trex narinig ko, Teka Clara anong oras?" tanong ni Samira.
"Mamayang lunch break." Sagot naman ni Clara.
"Ito food niyo." Ibinaba ni Edison ang hawak niyang pagkain para kila Trexie at Samira.
"Salamat Edison." Nakangiting sabi ni Samira.
"Ito drinks mo." inilapag ni Edison ang hawak niyang iced tea.
"Thankyou again." Sabi ulit ni Samira kaya naman nginitian siya ni Edison.
"Thankyou Edison." Sabi rin ni Trexie at nagsimula ng kumain.
Matapos ang kanilang pag memeryenda ay bumalik ulit sila sa kanilang ginagawa. Pagsapit ng kanilang lunch break ay nag tungo na sila Clara sa auditorium para mag practice roon sa stage. Habang nag reready sila ng kanilang gagamitin parami nang parami ang dumarating na estudyante para manuod. Nararamdaman ni Clara ang kaba sa kanyang nakikitang mga estudyante dahil Ito ang unang beses siyang mag perform sa harap ng maraming tao.
"Ok guys ready na ba?" tanong ni Ian habang tinitignan kung ayos na ba ang kanyang hawak na gitara.
"First song?" tanong ni Clara dahil nalimutan niya ang una nilang kakantahin dahil sa kaba.
"Ok na tanda ko na" Sabi ni Clara at pumwesto sa kanyang piano tyaka inayos ang mic.
"Ok na ba guys?" tanong ni Chio.
"Ok na." sagot naman ni Edison.
Nag umpisa ng patugtugin ni Clara ang kanyang Piano. Habang nag papatugtug siya at hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba.
"Sabi nila, balang araw, darating
Ang iyong tanging hinihiling
At noong dumating ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli ."
Kanta ni Clara tyaka naman sinabayan iyon ng malumanay na musika ni Ian gamit ang kanyang electric guitar. Gulat na gulat ang lahat ng siya ay kumanta.
"Ang pag-asang nahanap ko sa 'yong mga mata
At ang takot kong sakali mang ika'y mawawala"
Kanta ni Clara na sinasabayan ni Ian at Chio ng Gitara. Habang siya naman ay patuloy sa pag gamit ng piano habang kumakanta.
"At ngayon, nandiyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin, 'di ka sasaktan
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw at ako"
Sinabayan naman na ni Edison ng drum ang chorus na kinanta ni Clara.
"At sa wakas ay nahanap ko na rin
Ang aking tanging hinihiling
Pangako sa 'yo na ika'y uunahin
At hindi naitatanggi"
Pag kanta ni Chio habang nag gigitara, kaya naman tumingin si Clara rito habang nag pia-piano. Kaya naman nag sigawan ang mga estudyante sa loob ng auditorium
"Ang tadhanang nahanap ko sa 'yong pagmamahal
Ang dudulot sa pag-ibig natin na magtatagal"
Kanta ni Chio tyaka tumingin ulit kay Clara.
"At ngayon, nandiyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin, 'di ka sasaktan
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw at ako"
Sabay na kanta ni Chio at Clara habang nakatitig sa isa't isa. Madaming tao ang namamangha at kinikilig habang sila ay kumakanta.
"At ngayon, nandito na
Palaging hahawakan iyong mga kamay
'Di ka na mag-iisa
Sa hirap at ginhawa ay iibigin ka"
Mula noon hanggang ngayon
Mula ngayon hanggang dulo"
Solo na kinakanta ni Clara na hangang ngayon ay hindi pa niya inaalis ang tingin kay Chio.
"Ikaw at ako"
Sabay na kanta ni Chio at Clara. Kaya naman nag hiyawan at nag palakpakan ang mga estudyante sa loob ng auditorium.