Nasa bahay nila Trexie ngayong linggo si Clara at Samira. Tahimik silang nag pipnta para sa kanilang proyekto sa Arts.
"Ang ganda ng gawa mo Clara." Sabi ni Trexie pero napansin ni Clara na maganda ang pininta ni Trexie. Hindi na iyon kataka-taka dahil myembro siya ng art club. Ang pininta nito ay Isang babaeng lumalangoy sa pinakailalim ng dagat. "Maganda din yung sa'yo ah." Sabi ni Clara pagkasulyap niya sa pinipinta ni Trexie. "Yung sayo Samira patingin." Sabi ni Trexie habang pilit niyang tignan ang pinipinta ni Samira. "Mamaya na kapag tapos na" Sabi ni Samira kaya naman bumalik na sa kanyang puwesto si Trexie at tyaka pinagpatuloy ang kanyang pinipinta. Maingat ang pag halo ng kulay ni Clara. Ang kanyang pinipinta ay isang isang babae at lalake na nakaupo sa isang balsa sa dagat. Ang lalake ay may hawak na camera na nakatutok sa babae. Ang babae naman ay tumugtog ng gitara. An paligid na kanyang pinipinta ay puro niyog at palubog ang araw.
Matapos mag pinta sila Samira, Trexie at Clara ay pumunta sila sa Hardin ng bahay nila Trexie tyaka nag meryenda. "Clara anong balak mo sa kaarawan mo?" Tanong ni Trexie habang ngumunguya ng isang biscuits. "Hindi ko pa alam e." Nahihiya niyang sabi kaya hindi siya nakatingin kila Samira at Trexie. "Ha? next week na yun ah." Sabi ni Samira. "Wala talaga akong plano mag handa, nahihiya rin kasi ako kila Tita at Tito." Sagot ni Clara. "Gusto mo ba mag outing na lang tayo." Sabi ni Trexie habang nakangiti. "Wag na nakakahiya naman." Sagot naman ni Clara. Habang sila ay nag kwekwentuhan tungkol sa kaarawan ni Clara. Tahimik na pinagmamasdan ni Samira si Clara. Kaya naman tinanong niya ito tungkol sa kanyang pangarap.
"Clara anong pangarap mo?" Tanong ni Samira kaya naman natahimik bigla si Clara. "Hindi ko pa alam." Sagot naman niya.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Samira. Hindi naman makasagot si Clara sa tanong ni Samira.
"Bakit hindi mo alam? Hinahayaan mo bang makulong ang sarili mo sa isang garapon?" Tanong ni Samira kaya naman magtaka roon si Clara.
"Ikaw Samira anong pangarap mo?" biglang tanong ni Trexie, kaya naman hindi na napansin ni Clara ang tanong sa kanya ni Samira.
"Gusto ko maging Flight attendant. Gusto ko makapagtravel sa buong mundo." Sabi ni Clara tyaka siya ngumiti. "Ikaw ba Trexie?" Tanong ni Samira kay Trexie. "Gusto ko maging architect." Tuwang tuwa na sagot ni Trexie. Samantalang si Clara ay tahimik na nakikinig sa kanilang pinagusapan. Iniisip niya pa rin kung anong gusto niya o anong course ang kukunin niya sa colegio.
"Dito na lang kayo matulog." Biglang sabi ni Trexie kaya napatingin sakanya si Samira at Clara. "Pahatid tayo kay Daddy para kunin iyong gamit niyo sa house ninyo. Tapos balik tayo rito. Sige na, para sabay tayo papasok tommorow." Dagdag na sabi Trexie, bakas sa kanyang boses ang pagmamakaawa para pumayag si Samira at Clara sa kanyang plano. "Hindi ko kasi alam kung papayagan ako nila Tita at Tito." Sabi ni Clara.
"Ipapaalam kita, ikaw ba Samira?" Sagot at tanong naman ni Trexie.
"Sige, papayagan naman ako. Basta kasama si Clara, g ako." Pag sangayon naman ni Samira.
"Yehey! so tara na kasi bibili pa tayo food." Nagmamadaling sabi ni Trexie.
Pagkatapos nilang kunin ang gamit ni Clara at Samira. Dumeretso na silang mamili ng mga pagkain. Balak kasi nilang manuod ng movie bago matulog. Madaming kinukuhang pagkain si Trexie at Samira samantalang si Clara ay sumusunod lang sa'kanila. "Clara wala ka bang gustong kunin?" Tanong ni Trexie. "Wala ok na ako sa mga kinukuha niyo." Sagot naman niya kay Trexie. "Sure ka ba?" Tanong ulit ni Trexie kaya naman tumungo na lang si Clara.
Tahimik na nunuod ng movie sila Clara, Samira at Trexie. Pinapanuod nila ay ang isang movie ni Nicholas Sparks. Ito ay ang Dear John isa ring sikat na palabas na isinulat ni Nicholas Sparks. Minahal ni John si Savannah at ganun din si Savannah kay John ngunit sa dulo ay hindi sila nagkatuluyan sa huli. Isa kasing sundalo si John samantalang si Savannah ay isang colegio. Bilang isang sundalo nagkakaroon lamang sila ng komonikasyon sa pagsulat ng liham sa isa't isa. Ngunit natigil ang kanilang pagsulat ng liham at sila ay naghiwalay dahil ikakasal si Savannah kay Tim. Hindi pinagsisisihan ni John na minahal niya si Savannah. Ang kanilang pagmamahalan ay nabigong hanapin ang kanilang kaligayahan.
"Grabe ang sakit." Sabi ni Trexie habang kinakain ang kinuha niyang donut.
"Ibang movie naman hindi yung ganyang kalungkot" Sabi naman ni Samira habang nagpupunas ng kanyang luha. Tahimik na nag pupunas ng luha si Clara. Humiga siya sa kama ni Trexie at tumingin sa kisame. Iniisip niya kung paano ganun din ang mangyayari kung siya ay magmahal. "Siguro hindi ko kakayanin." mahina niyang bulong tyaka bumangon at umupo sa tabi nila Trexie.
"Ano susunod na panunuodin natin?" tanong ni Clara.
Kinabukasan maagang umalis sa bahay nila Trexie sila Clara. Bago sila pumunta sa kanilang paaralan ay dumeretso muna sila sa isang coffee shop dahil maaga-aga pa naman. Balak kasi talaga nilang hindi mag almusal sa bahay nila Clara. "Hoy andito na kayo agad." Biglang sabi ni Ian na kararating lang, kasama niya sila Chio at Edison. Tumabi naman si Chio kay Clara tyaka niya ginulo ang buhok ni Clara.
"Hoy ano ba Chio kakasuklay ko lang." Masamang nakatingin si Clara kay Chio.
"Namiss kita Clara ko. Hindi na tayo laging magkasabay tapos magkasama." Nagtatapong sabi ni Chio kay Clara.
"Ayaw mo na siguro ako kasama." Dagdag niya pa kaya siya tinarayan ni Clara.
"Joke lang. Kamusta pala girls bonding niyo?" Tanong ni Chio habang kinakain ang pagkain ni Clara.
"Ok lang naman, masaya." Sagot ni Clara habang umiinom ng inorder niyang kape.
"Mabuti naman, nakatulog ka ba ng mahimbing doon?" Tanong ni Chio.
"Oo, pero kulang tulog ko. Gabi na kasi kami nakatulog kakanuod." Sabi ni Clara.
"Huwag ka na mag puyat next time. Alam niyo namang may pasok tayo e." Sabi ni Chio habang nakatitig sa mukha ni Clara.
"May sariling buhay nanaman ang mag bestfriend daw." Biglang sabi ni Samira kaya naman napatingin si Clara at Chio sa kanya.
"Nangangamusta lang yung bestfriend ikaw naman." Sabi ni Edison na may halong pang aasar ang boses, kaya naman nag tawanan silang lahat.
Tahimik na pumuntang room sila Clara. Pagkapasok nila sa kanilang classroom ay nagtataka sila kung bakit walang tao sa loob.
"Maaga pa ba?" nagtatakang tanong ni Trexie.
"Oo malamang tignan mo 7 pa lang 8 start ng klase" sagot naman ni Samira.
"Baka nanunuod sila ngayon sa gym." Sagot naman ni Edison.
"Ha bakit anong meron doon?" tanong naman ni Samira.
"Practice match ng basketball team natin sa ibang school." Sabi naman ni Edison.
"Bakit ang aga naman." ani naman ni Samira.
"7:30 start nun." Sabi ni Edison.
"Bakit wala bang klase bakit andoon sila?" tanong naman ni Trexie.
"Hindi ko alam wala namang sinabi sa meeting namin." Sagot naman ni Edison.
"Tara manuod tayo doon." Pag-yaya naman ni Ian kaya naman ay pumunta sila para manuod. Samantalang nag paiwan si Clara sa room. "Hindi ka ba sasama sa'kanila?" tanong ni Clara ng napansin niyang hindi sumama si Chio sa kanila Ian. "Hindi, sasamahan kita dito." Sabi naman niya.
"Inaantok ako Chio." Sabi ni Clara bakas sa kanyang boses ang antok. Kaya naman ipinatong niya ang kanyang ulo sa lamesa tyaka natulog.
"Sige, matulog ka muna babantayan kita." Sabi ni Chio.