Chapter 13 -------Flash back------ Ilang buwan na ang nakalipas mula ng makulong si Gina sa basement ng Mansion ni Lucas. Sobrang nangayayat na ito’t bumagsak ang katawan at nawala na halos ang ganda na dating ipinagmamalaki. Hindi naman na ito pinapakain ng kaning baboy dahil naaawa rin si Lucas normal, malinis at mas maayos na pagkain na ang ibinibigay dito at sa tamang oras pero sinabi ni Lavinia na ayaw na nitong kumain at tinatapon nito palagi ang mga dinadala ng Mayordoma. Binalita kasi ng Matanda ang Pagkaka annul ng kasal nila Lucas. Lalo itong nagalit dahil parang si Lucas pa ang umayaw sa pagsasama nila. Plano pa man din niya na hiwalayan talaga ito at makuha ang kalahiti ng kayaman nito. Hindi talaga siya makakain sa galit at inis sa lalake at sa matandang mayordoma

