ABALA SA computer si Jessa ng may maramdaman siyang presensiya. Ang nakahalukipkip na si Madame Leona Lopez Cardarelli ang nabungaran niya. Nakasuot ito ng black hat na may ribbon, black sunglasses, black body hugging dress , at itim rin ang hawak nitong mamahalin na purse She looks beautiful and sophisticated.
Sa pagkakaalam niya ay nasa fifty-years old na ang ginang ngunit kung titignan mo ito ay para lang nasa late forties.Halata ang pagiging sopistikada nito.
Hindi iyon ang unang beses na nakita niya ito. Nagtatakha nga siya dahil hind siya nito tinatarayan but she wasn't kind to her either.
Agad siyang napatayo. Nakataas ang isang kilay nito at hinagod siya ng tingin. Hindi niya masabi kung ano ang ibig sabihin ng tingin nito sa kanya. Never pa naman ito nagmaldita sa kanya ngunit hindi rin niya masabi na gusto siya ng ginang.
"Is Jarren inside? "
She nodded politely. "Yes, madame. He's in his office. Do you want me to tell him that you're here ?" she asked.
Ngunit iwinagayway lang ng may-edad na babae ang kamay nito bago siya nilampasan, akmang tutungo ito sa opisina ng lalaki. Napasunod na lang siya dito ng tingin. Kapagkuwan ay naalala niya ang bilin ng binata. He asked her not to let anyone disturb his meeting. Natapik niya ang noo bago tumayo at akmang pipigilan ito.
" Madame wait- " ngunit nabuksan na ng ginang ang pinto na hindi niya inaasahan na hindi naka-lock. At gulat silang dalawa sa nabungaran.
" SANTISIMA! Jarren Kirk Lopez Cardarelli ! " malakas na tili ng ginang, ngunit tila lumabas lang sa tenga iya ang matinis na boses nito.
Napako siya sa kinatatayuan. Nanikip ang dibdib niya na tila siya pangangapusan ng hininga, namuo ang luha sa mga mata at gustong bumigay ng tuhod niya.
Nakaupo ang lalaki sa swivel chair nito, bukas ang mga butones ng polo at nakakandong dito ang 'bisita nito' , busy ang mga ito sa paghahalikan na hindi agad napansin ng mga ito na nandoon sila kung hindi lang sa gulat na sigaw ni Mrs.Cardarelli.
Siya man ay nagulat, hindi niya akalain na ibang 'meeting' pala ang gusto ng kanina ay pormal na babaeng ka-meeting ng binata ng dumaan ito sa kanya. Sa ayos ng pananamit nito kanina bago pumasok sa opisina ni Jarren ay inakala niya na matino ang pakay nito sa binata. Business. But now...
She always keep on reminding herself na immune na siya sa sakit. Na dapat ay hindi masaktan. Wala siyang karapatan. Pero hindi naman por que walang karapatan ay hindi na siya masasaktan diba? Tao lang siya. Isang babaeng nagmamahal.
Ilang taon na rin niyang kinikimkim ang feelings niya for Jarren. Wala siyang lakas ng loob na umamin o magpahaging ng feelings niya, kaya nga umaasa na lang siya na mapapansin siya nito sa pananatili niya sa tabi nito sa kabila ng hindi magandang ugali nito. Kasi gano'n naman diba? Sa palabas o sa mga libro. Mas napapansin ang mga simple lang. Ang mabait at ang babae na demure. Never the wild ones or yung mga babae na para sa karamihan ay 'wild' at 'pakawala'. Ngunit sa mga naririnig niyang kwento tungkol sa mga babaeng nali-link kay Jarren at sa nasaksihan niya ngayon...
"f**k!" mura ng binata. Mabilis nitong inayos ang sarili, gayundin ang babae sa kandungan nito na ngayon ay alam na niya ang kulay at disenyo ng suot na panloob sa ayos nito na naabutan nila. Ngunit tila hindi naman nito alintana na naabutan nila ito sa gano'ng sitwasyon.
The woman is gorgeous and incredibly sexy. Hindi na itatanong kung bakit ito nagustuhan ni Jarren. Mukha rin itong matalino at mayaman. Bagay na bagay sa binata. Kung hindi lang niya gusto para sa sarili niya ang lalaki ay malamang na hilingin niya na magkatuluyan ang dalawa, ngunit hindi niya 'yon magawa dahil mahal niya si Jarren. Hindi niya gusto na may iba itong makatuluyan. Ngayon pa lang na nakita niya itong may ibang babae sa isang mainit na tagpo ay nasasaktan na siya.
"Ma, what are you doing here? I told you I'm busy." itinuon nito ang pansin sa ginang. Bakas ang iritasyon sa boses nito. Ni hindi man lang siya pinansin. Walang nakapansin na tumulo na ang luha niya na agad naman niyang pinalis. She can't cry in front of them, especially in front of Jarren. She don't want him to know that it hurts her to see him with another woman, being intimate. He's not yet aware of her feeling. At ayaw niya na sisantehin nito sa oras na malaman nito 'yon.
Sa loob ng ilang taon ay ngayon niya lang ito naabutan sa gano'ng tagpo. Alam niya na may mga idini-date ito pero hindi na niya 'yon nakikita kaya hindi masiyadong masakit. Iniisip na lang niya na dadaanan lang nito ang mga babae at sa huli, kapag sila na ay siya na lang. Ngunit iba talaga ang sakit pag nasaksihan mismo ng dalawang mata mo. Hindi 'yon basta-basta mawawala sa isip niya
Lumapit dito ang 'ka meeting' nito. Maayos na ang suot. "It's okay, Jarren. We can always continue it next time " malambing na hinaplos pa nito ang pisngi ng lalaki, niyakap ito at nakangiting bumaling sa ginang.
"Hello, Tita! My name is Angelica, your son's girlfriend-"
"You're not my girlfriend!" madiing putol dito ng binata at binaklas ang kamay ng babae na nakapulupot dito.
"Babe ?" gulat na napalingon dito ang babae. Bakas ang pagkagulat sa magandang mukha nito.
"What do you mean I'm not your girlfriend? You're my boyfriend, right? We are in a relationship."
"No. You know well that I don't do relationships. I only f**k, Angelica. I never told you otherwise." malamig na sabi nito.
"I didn't know where you get that idea that you're more than just a lay to me. I guess, its time to end this fling. "
She was hurt, alright but she also felt for the woman. Mukhang hindi nito 'yon inaasahan. Namutla ito at tila nahiya. Nang makabawi ay bumakas ang galit sa mukha. Inangat ang kamay na aktong sasampalin ang binata ngunit maagad nito 'yong napigilan. Matigas ang anyo ng lalaki. Siya man ay medyo natakot dito.
"Don't. You'll regret that. Just leave."
Tila marami pang gustong sabihin ang babae ngunit sa huli ay isang "Asshole!" lang ang nasambit nito bago kinuha ang bag at nagmamadaling lumabas.
Naghalo ang paninibugho at awa niya para sa babae. Wala naman kasi itong ginawang masama sa kanya. Hindi nito kasalanan na nagkagusto ito kay Jarren.
Tumikhim siya upang alisin ang bara sa lalamunan. " Maiwan ko na po muna kayo ." aniya na laylay ang balikat.
Akmang lalabas na siya ng tawagin siya ni Mrs.Cardarelli.
"Don't leave. Maupo ka." utos nito na iminuwestra ang sofa.
Napakurap tuloy siya sa request nito. Gusto niyang tumutol dahim gusto niya sana magpunta sa comfort room para magdrama ngunit tila nabitin 'yon dahil sa tingin na ipinukol sa kanya ng may-edad na babae.
"You may go. Let her leave, ma. She have a job to do." tutol ng anak nito. Halata na ayaw nitong marinig ang pag-uusapan nito, pero tama lang naman 'yon dahil labas siya sa pag-uusapan ng dalawa. Hindi tuloy niya alam kung sino ang susundin.
Ngunit hindi ito pinansin ng ina. Pinandilatan pa ito bagi siya pinako ng tingin. "You sit. Listen to our conversation. Don't listen to him."
Nagtataka man ay wala siyang nagawa sa sinabi nito dahil maski ang anak nito ay napabuntong-hininga na lang bago siya tinanguan.
"Hindi ka na ba magtitino, Jarren? At talangang hanggang dito sa opisina ay dinadala mo ang babae mo! Buti sana ay kung nobya mo ay baka matanggap ko pa. My God! " nag sign of the cross ginang. Tumingin sa paligid na tila napakadumi ng lugar partikular sa table ng anak nito. Nawala ang poise dahil sa nasaksihan.
"Kaya pala hindi kana umuuwi sa bahay kahit anong pakiusap ko na bumisita ka. Dahil masiyado kang abala sa pambababae mo! Hindi na ako magugulat kung isang araw ay mapikot ka dahil diyan sa ginagawa mo!" tumaas ang boses ng ginang. Nando'n ang pagtatampo at inis nito sa anak.
"I was busy with work, mother. I already told you on the phone. I'll visit once I have time. You don't have to come here." dismissive naman ang tono ng boses ng boss niya.
Napansin naman 'yon ng ginang. "Are you asking your mother to leave, Jarren Kirk?" nagdadamdam ang tono nito.
Napakagat-labi siya. Gusto niyang bigyan ng privacy ang mag-ina ngunit hindi naman niya magawang magpaalam. Its making her uncomfortable.
Nang hindi umimik ang binata ay nagsalita uli ang ginang. "You're may be busy with work. " anito na pinasadahan ng tingin ang mga papeles na nasa table ng binata. "But surely, not that busy not to find time to visit us. At sa naabutan ko, mukha namang napakarami mong oras! Mabuti pa si Levin, once a week ay binibisita kami ng daddy mo."
Kita niya ang pagtiim ng bagang ng binata nang mabanggit ang pangalan ng kapatid. Kilala niya si Levin dahil ilang beses na rin itong nagtungo sa kumpanya noong ang papa ng mga ito ang namamahala.
Akala niya nga ay ito ang papalit sa matanda ngunit o kahit magtatrabaho man lang sa kumpanya ng mga ito ngunit ayon sa matanda ay busy si Levin sa pagiging chef at may ilang restaurant na rin itong pag-aari.
"Why don't you go to Levin then? Why come here?" hindi nakaligtas sa pandinig niya ang bitterness sa boses ng binata.
Nahuli tuloy nito ang titig niya. Tila ngayon lang naalala na nando'n siya..
"Jarren-" his mom.
"Out!" he barked at her. May galit sa mga mata. Hindi niya alam kung para sa kanya ba 'yon ngunit hindi niyo naalis ang takot niya.
"Jarren, let her-"
"I said get out!" bulyaw nito. Nanginginig ang mga tuhod na tumayo siya at lumabas. Hindi pinansin ang tawag ni Mrs.Cardarelli.
"MONROE!" hikbi niya.
Pagkagaling niya sa opisina ni Jarren ay kinuha lang niya ang bag at nag-iwan ng note sa lamesa niya. Alam niyang magagalit si Jarren sa kanya ngunit alam rin niya na hindi niya kakayanin ituloy ang trabaho niya. Baka umatungal lang siya ng iyak sa desk niya. At ayaw niyang masaksihan 'yon ng binata.
Ngayon ay ayaw niya rin umuwi sa apartment niya. Gusto niya sana mag-inom ngunit wala naman siyang kausap at ayaw niya naman sa bar kaya pumunta na lang siya sa condo ng kaibigan. Alam niya na ito ang hindi busy ng araw na 'yon dahil na rin sa group chat nilang magkalaibigan. Kaya nga inabisuhan niya ito na pupuntahan niya ito. Mahigit isang oras din ang biyahe niya mula sa building ng CGC, pinili niya na iwan ang sasakyan dahil bubuhos na ang luha niya, baka maaksidente pa siya kung pilitin niya pa magmaneho kaya pinili niya na mag-taxi na lang.
"Hey, what happened?" nag-aalalang salubong nito. Agad siyang binalot ng yakap ng kaibigan. Ito na rin ang nagbayad sa taxi driver na ang mga mata'y puno rin ng simpatya sa kanya.
"A-Ang sakit, Roe." iyak niya. Alam niyang maga na ang mga mata niya at medyo masakit na rin ang lalamunan sa kakaiyak.
Nasa loob na sila ng unit nito. Kumuha ng whiskey ang kaibigan at tequila. May dalawang cans din ng beer at lahat 'yon ay ipinatong nito sa harapan nila.
"Tell me what happened." inabutan siya nito ng beer, nagbukas din ito ng para sa sarili bago seryosong bumaling sa kanya.
Sinubukan niyang ikalma ang sarili bago ikinuwento sa kaibigan ang buong nangyari. Mula sa pagbisita ng mama ni Jarren, hanggang sa naabutan nila sa opisina ng lalaki, ang pagsigaw nito sa kanya. Lahat ay ikinuwento niya. Ngayon na malayo na siya kay Jarren ay nailabas na niya ang emosiyon na kinimkim niya kanina, marahil pati ang frustrations niya sa loob ilang taon.
Roe's silent for a moment. Inabutan siya ng tissue. Tila pinag-isipan ang mga nangyari, at tinatantiya ang sasabihin.
"You know? I wanted to blame myself for supporting your feelings for him. Sana imbes na in-encourage ay pinayuhan kita na kalimutan mo na lang si Jarren. Don't get me wrong, I love you as my bestfriend but I feel like simula nang makilala mo si Jarren, sa kanya na umikot ang mundo mo. Which is unhealthy. To think na hindi mo pa nga siya boyfriend ng lagay na yan. He didn't even know your feelings for him."
Nagulat siya sa sinabi nito. Alam nila pareho na kahit hindi siya nito tinulungan noon ay gagawa pa rin siya ng paraan to get close to Jarren. "Wala kang kasalanan, Roe. Ako ang may kasalanan. Ako ang nahulog. Ako ang nagdesisyon na manatili sa tabi ni Jarren. Ako ang nagpakatanga. I should thank you instead dahil sinuportahan mo ang kagagahan ko." aniya, pinahid ang luha sa mga mata.
Hindi naman nakaimik ang kaibigan. Pati tuloy ito ay namomroblema sa love life niya.
Nagulat siya sa pagpapaalis ng binata sa kanya ngunit sa narinig niyang bitterness nito sa kapatid ay nabawasan ang takot niya dito habang nasa taxi kanina at napag-isipan ang mga nangyari. Ang hindi niya maalis ay ang sakit na makita itong may iba. And its ironic dahil ni hindi nito alam na nasaktan siya sa nakita niya. Kahit pa sabihin na wala itong nararamdaman para sa Angelica na 'yon.
"Its funny how he can hurt me without him knowing it." mapaklang sabi niya pagkakuwan.
Nang maubos ang isang can ay siya na ang umabot ng tequila. Binuksan 'yon at parang tubig na tinungga. Hindi mataas ang alcohol tolerance niya pero okay lang dahil alam niya ma hindi siya pababayaan ng kaibigan. "I want to forget him, Roe." Gusto na niyang mag-move on. Parang ngayon lang siya nagising sa panaginip niya, sa katotohanan na malabo talaga ang feelings niya para kay Jarren.
Gusto niyang isipin na ngayong gusto na niyang kalimutan si Jarren ay magiging madali ang lahat, ngunit isipin pa lang niya na aalis na siya sa CGC at hindi na makikita ang binata ay nasasaktan na siya. Pero hindi rin naman pwedeng habang-buhay na nasa kumpanya siya ng mga Cardarelli. Sooner or later ay kakailanganin niya rin mag-resign.
"Do you really love Jarren, Penny?"
Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito.
"Coz if you really love him. You have two options. Confess your feelings or move on. I know rejection is scary but that is better than what ifs. Mas maganda na malaman niya ang feelings mo para makapag- move on ka kung hindi kayo pareho ng nararamdaman. At para na rin wala kang pagsisisi sa huli. At least, nasabi mo ang feelings mo. No regrets. "
"I'm not sure if I'll be able to do either of that, Roe. Hindi ako ganun katapang." amin niya.
It sucks. Ilang beses na rin niya sinabi sa sarili na sana ay hindi na lang niya ito nakita years ago. Sana ay hindi siya nahulog sa mukha nito. Sana ay hindi nag-retired ang daddy nito. Sana ay hindi niya nasaksihan kung paano mula sa pagiging happy-go-lucky ay naging workaholic ito. Sana ay hindi niya ito mas nakasama. Sana ay hindi siya mas nahulog.
"Hahayaan ko na lang muna ang sarili ko na umasa. Malalaman ko rin kung para sa akin ba talaga siya o hindi. "
"Haaay, ang gulo ng love life niyo ni Frances. "
Napangisi siya sa sinabi nito. "Nagsalita ang maayos ang love life." binato tuloy siya nito ng unan.