"DAD!" sigaw ko. Nakita kong tinakpan ni Kegun ang Mata ni Liam. May trauma pa ang anak ko. Nakatayo lang sila kuya sa may pinto. "Richard!" tawag naman ni Mom mula sa kusina. "Bakit kasama mo sila?" inis na tanong ng Ama ni Kegun. "Dad! Calm down" pagpapakalma ni Kegun. "Hindi kami naparito para makipag away sa inyo" "Anak akin na si Liam" kinuha ni Mom si Liam mula kay kegun. "Bakit kasama mo sila? At pano sila nakapasok dito?" hindi pa din binababa ng Ama ni Kegun ang hawak na baril. "Dad" singit ko "Pamilya ko po sila" dagdag ko. Humarang ako sa kanila. Ako ang nagsilbing pananggala nila Kuya. "What do you mean Iha?" "Anak ko si Jesse, Caciano" Saad ni Dad. Unti unting ibinaba ni Dad ang hawak na baril. "A-ano? Pano?" "Jesse is a Manzano Dad" sambit ni Kegun. Kinuha ni ke

