Chapter 62: Sunod-sunod 5 Napabuntong-hininga si Louisa ng may natanggap na naman siyang bulaklak sa kaniyang office. Talaga bang ginagalit siya ni Diwer. Mag-iisang buwan na buhat ng magtungo ang lalaki sa mansyon ng mga Macuse Jose. At doon nagsimula ang pagpapapansin sa kaniya ng lalaki. Araw-araw ay may natatanggap siyang bulaklak at kung hindi naman bulaklak ay chokolate naman. Nagrereklamo na nga sa kaniya ang sekretarya kung bakit tinatapon nilang ang mga bigay sa kaniya ni Diwer pero wala itong magagawa dahil siya ang masusunod. Pero kapag chokolate naman ang ibinibigay sa kaniya at pinapakin niya ito sa sekretarya. Tuwang-tuwa naman ang gaga dahil feel daw nito na ito ang nililigawan ni Diwer. “Tessy, pakitapon ng mga damo.” Utos niya sa sekretarya na noo’y humahawak

