"Filipo, siguruhin mong hindi na makakalapit pang muli si Damien kay Ireta. At ituloy mo lang ang pagbuntot sa asawa ko. May palagay akong alam na nina Damien at Dante ang tungkol sa totoong katauhan ni Ireta." Matigas ang boses ni Lukas. Lalong nagliyab ang apoy ng galit niya para sa ambisyosong si Donato. Dahil ito ang nagbukas ng pinto para muling mapaugnay sa mga buhay nila ang Blackwood. At para maglakas-loob ang Blackwood na kalabanin sila. "Hmm, I suddenly want to see a pool of blood. Hindi pa rin ba nahuhuli si Donato?" tanong niya. "Ang bilis pa ring tumakas. Mailap pa rin," tugon ni Filipo. Ang tanging dahilan lang kung bakit hindi pa rin mahulog sa mga kamay nila si Donato ay dahil tinutulungan ito ng Blackwood. Pinili nitong umanib sa kalaban, at iyon ang ginagamit nitong pa

