Nakapangalumbaba si Lukas sa mesa at bakas ang pagkabagot sa anyo ng kanyang mukha. Araw-araw na lang ay nagpapatawag ng meeting si Hades, at ang dami nitong tinatalakay. Hindi naman puwedeng hindi siya pumunta, dahil siya ang Underboss ng organisasyon, at kailangan ang kanyang partisipasyon at presensiya. Sa isang tainga niya ay may nakasuksok na wireless earbud at tumutugtog ang klasikal na musika, at ang kabilang tainga lang ang nakikinig sa diskusiyon. Iwinawasiwas niya ang hawak na pen na tila baton ng maestro. He was also playing with the bead piercing on his tongue, while half of his mind was drifting elsewhere. Wala kay Hades ang tingin niya at nakikipagtitigan lang siya sa kawalan, sa hangin. Tinuktok ni Hades ang mesa gamit ang buko ng daliri nito para kuhanin ang atensiyon niy

