CHAPTER 80

1916 Words

Pagdating ng Mafia Boss at Consigliere ng Kratos ay nadatnan ng mga itong nakasalampak siya ng upo sa sahig sa tabi ng Emergency Room, nakasandal sa malamig at kongkretong pader. Walang siyang pakialam sa paligid niya. Nakatuwid ang isang paa ni Lukas, at ang kabila ay nakatiklop ang tuhod at nakatukod doon ang siko ng parehong kamay kung saan nakasipit sa dalawang daliri ang stick ng sigarilyong nag-uusok ang dulo. Sa tabi niya ay may dalawa nang upos na dinutdot niya lang sa sahig. Puro dugo ang kamay niya, pati damit niya. May mga tilamsik din ng dugo ang mukha niya at magulo ang buhok. Madilim ang anyo ng kanyang mukha, at nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata. He looked like a madman who was plotting to kill his next victim. Nakatingin siya sa kawalan at nag-iigting ang mga p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD