CHAPTER 96

1949 Words

"Don't ask me to do what I have no desire for, Ireta. You can ask for anything—just not love," samo ni Lukas. Yumakap ang mga bisig nito sa katawan niya. Ang pinaparamdam sa kanya ngayon ni Lukas, hindi pa ba iyon pagmamahal? Dahil ramdam niyang mahal siya nito. Napabuntong-hininga si Ireta. "Love isn't as hard as you think, Lukas. Huwag mo lang salungatin. Huwag mong labanan. Pabayaan mong gabayan ka ng dikta ng puso mo," aniya. Kahit siya ay nahirapan ding intindihin ang emosyong tinatawag na pagmamahal ng mga normal na tao. Dati ay naguguluhan din siya. Pero minsan para maunawaan mo ang pag-ibig, ang kailangan mo lang gawin ay huwag lunurin ang sarili kakaisip kung paano nangyari iyon, kung paano sumibol iyon. It's love. Mahiwaga iyon. Parang isang mahika. Minsan ay matalinhaga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD