"Everyone, leave us," matatag ang boses na utos ni Ireta sa lahat ng mga taong nasa loob ng conference room. Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa ang mga miyembro ng International Intelligence Consortium na kanina pa nababalot sa makapal na tensiyon. Mabilis na tumayo ang mga ito at lumabas na ng silid. Walang imik at sobrang tahimik. "Tell your men to leave, Lukas. Kasama sila sa gusto kong palabasin," naniningkit ang mga matang sabi ni Ireta sa asawang hindi inaalis ang malagkit na tingin sa mukha niya ngayon. Umalsa lang ang isang sulok ng mga labi nito. "Aalis sila kung aalis din ang mga tauhan mo." Lumampas sa balikat niya ang tingin ni Lukas at dumako kay Edilbar, "kasama na pati ang alalay mo," dagdag nito. Mainit ang boses ng asawa, may masarap na gaspang. Bumuntong-hininga siya at

