CHAPTER 2

1489 Words
Beware, this man is dangerous. Hindi nangingiming pumatay. Lalong lumawak ang pagkakangisi ni Ireta at umigting ang pagliyab ng pananabik sa kanyang mga mata. Patuloy niyang sinuyod ng tingin ang mga impormasyon tungkol sa binata. Name: Lukas de Crassus Known as: The mad hellhound of the underworld Age: 31 Known Affiliations: Criminal Organization, black-market networks Personality: Difficulty controlling anger; can result in frequent outbursts and aggressive behavior Skills and Expertise: Torture techniques and combat skills Napangiti si Ireta. Gusto niya ang lahat ng nabasa niya tungkol sa binata. “Lukas de Crassus,” sambit niya sa pangalan nito. Ang alam niya ay apelido ng ina nito ang orihinal nitong ginagamit, pero pinapalitan iyon ng Boss ng Mafia nang umanib ang binata sa Kratos. Ang dahilan kung bakit niya pinaiimbestigahan si Lukas ay dahil ito ay kasapi ng kalabang Mafia ng Oxiris. Ang totoo ay hindi lang naman ito ang nag-iisang taong pinakalkal niya ang impormasyon. Nasa listahan niya rin ang Mafia Boss at ang Consigliere ng organisasyon. But this Lukas de Crassus caught her interest the most. Ito ang Underboss. “Madam, mapanganib ang taong ito.” Hindi maipinta ang mukha ng lalaking nagsisilbing alalay niya. Treinta y otso na ang edad nito. Matagal na itong naninilbihan sa pamilya ng ina niya. Bumadha ang pagkayamot sa kanyang mukha at pinukol niya ng hindi natutuwang tingin ang lalaki. “Ano naman ngayon?” “Malupit ang Lukas de Crassus na ito,” imporma nito sa kanya. “And?” She scoffed. “Alam mong wala akong pakialam, Edilbar. Malupit din naman ang ama ko.” Mayaman ang pamilya ni Ireta Regueler, pero kung gaano karami ang pera nila ay ganoon din kasama ang tingin sa kanila ng mga tao. Her father owned an illegal auction house. Lahat ng hindi mo maiisip na puwede palang ibenta ay nasa auction house ng ama niya. Her father was also producing and distributing illegal drugs. Mafia Boss ang kanyang ama kaya protektado ang mga negosyo nila. Hindi na bago sa kanya ang tungkol sa Mafia. She knew it’s existing. She breathed the very air in the underworld. Huminga nang malalim ang lalaki. “This man is known as the mad hellhound of the most dangerous Mafia group, ang Kratos. Mas makabubuti sigurong iwasan mo ang taong ito, Madam. Baliw si Lukas de Crassus at isang taong wala sa tamang pag-iisip lang ang nanaising makipaglapit sa kagaya niya.” Nagliwanag ang mukha niya. “Baliw siya?” “Oo, Madam. Siya ang tagaligpit sa mga kalaban ng Kratos. Ang tagahabol at tagatugis. Siya rin ang taga-torture sa mga nahuhuling bihag.” She pressed her teeth tightly together as she bit the tip of her forefinger, grinning widely. Pakiwari niya ay umiigkas ang dugo niya dahil sa kasabikan. Nananabik siya sa binatang nasa litrato. “I like crazy,” anas niya. Kung baliw ang Lukas de Crassus na ito ay mas pabor iyon sa kanya. Dahil ganoon din naman siya. She had a few loose screws in the head, too. Siraulo rin siya. Sinasabihang baliw. And she wanted someone who could match her crazy. Mula pagkabata ay alam na niyang hindi siya normal na kagaya ng iba. Hindi rin istable ang emosyon niya. Pero ang nakikita lang ng lahat ay ang maganda niyang mukha. Ni hindi napansin ng mga ito ang maliit na peklat sa ibabaw ng kanang kilay niya na nakuha niya mula sa pakikipag-away sa kaklase niya noong sekondarya. That classmate tried to tease her, so she grabbed the hair at the back of his head and slammed his face against the table. Nakaganti ito sa kanya at hinampas siya ng cellphone nito na tumama sa itaas ng kanang kilay niya. Nasugat siya. Sariwa pa rin sa utak niya ang malagkit na dugong tumulo mula sa sugat pababa sa kanyang mata at sa pisngi niya hanggang sa pumatak iyon sa sahig. But she wasn’t scared. Not even a little bit. If anything, it fuelled the madness in her. Kinagat niya sa mukha ang kaklase niya. Nawalan ito ng malay sa labis na pagkagimbal lalo na nang makitang nakangisi siya rito habang umaagos pa rin ang dugo mula sa sugat niya. Pfft. P*ssy. That classmate was a p*ssy. “Tell me more about him,” aniya, tumingin siya kay Edilbar, inuudyukan itong magsalita pa, "...about this Lukas de Crassus." Napabuga ng hangin si Edilbar, isinuko na nito ang natitirang intensiyong baguhin ang kapasyahan niya. Alam nitong tuluyan nang napukaw ni Lukas ang interes niya at buo na ang desisyon niyang alamin ang lahat ng bagay tungkol dito. “Si Lukas ang may hawak ng pangalawang pinakamataas na posisyon sa grupo ng Kratos. Ayon sa imbestigasyon ay kadugo nito ang Mafia Boss na si Hades de Crassus, kaya pinapalitan ng huli ang apelido ni Lukas at ginawang de Crassus. Anak ito ng ama ni Hades de Crassus sa isa sa napakaraming babaeng ikinakama nito. Lumaki ito sa poder ng ina, sapagkat tumanggi ang ama nitong kilalanin ang bata noon. Nasa kolehiyo na si Lukas nang maglakas-loob itong lapitan si Hades. Humingi ito ng tulong upang makaalis sa poder ng mapang-abuso nitong ina. Tinulungan naman ito ng Mafia Boss at ipinasok sa Kratos.” “Ahh, the sob story, of course. That’s the catalyst that shaped him into the brutal person he has become.” Pero kung sasabihin ni Lukas na sadyang ipinanganak na itong baliw ay maniniwala siya. Hindi naman kasi lahat ng dumanas ng pang-aabuso ay nagiging katulad ni Lukas. Depende iyon sa tao. But Lukas just became brutally insane. “This man is described as brutal, sadistic, and insane. Lahat gagawin ng taong ito para sa Mafia Boss, na parang masunuring aso,” wika ni Edilbar. “I like dogs.” Kung ganoon ay kaya nitong sumunod kung gugustuhin lang nito. May pakiramdam siyang gagawin lang nito kung ano ang naaayon sa kagustuhan nito, pero batid niyang malaki ang respeto nito sa Boss ng Kratos kaya buong-loob nitong ginagawa ang lahat ng inu-utos dito. Or maybe, he really liked the things that were tasked to him. “Ang madalas bang ipagawa sa kanya ay ang mang-torture ng bihag?” tanong niya. “Tama, Madam. Ang magpahirap ng tao at—” Natigilan ito nang makita ang lalong pagkabuhay ng interes sa kanyang mga mata. Hindi makapaniwalang napatingin sa mukha niya si Edilbar saka sunud-sunod na umiling. “May isa pa tayong malaking problema, Madam.” “Ano iyon?” “Kung may balak kang makipaglapit kay Lukas ay magiging problema talaga itong sasabihin ko." "Ano nga iyon?" "Walang interes sa babae si Lukas.” Umarko ang mga kilay niya. “Ano ang ibig mong sabihin? Ayaw niya sa babae? Pareho ba kami ng gusto?” Nasamid si Edilbar. “Hindi naman, Madam. Wala lang talaga siyang interes sa babae.” “Ohh, then he must be a virgin, right?” Lumapad ang pagkakangisi niya. Napaubo si Edilbar. “...” “If he’s a virgin, then we both are.” Masama ang ugali niya, may saltik siya sa utak, pero hindi siya pakawala. Hindi siya konserbatibo, ngunit buo pa ang pagkab*bae niya dahil walang lalaking makapasa sa panlasa niya. Pero ngayon ay mukhang mayroon na. “Edilbar,” sambit niya sa pangalan ng kanyang alalay. “Madam,” tugon agad nito. “Birhen ka pa ba?” Nahigit nito ang paghinga, gulat sa direktang pagbato niya ng tanong dito. “Ahm, h-hindi na po, Madam.” “I thought so. May nakatalik ka na bang birhen na babae?” Tuwid ang mukha niya, kahit na alam niyang hindi komportable ang kausap. Wala siyang pakialam. “Meron naman ho.” “Masakit daw ba ang unang pasok?” Nabilaukan sa sarili nitong laway si Edilbar. Tumikwas lang ang kilay niya. “I want to know, because I’m going to lose my virginity soon.” Namilog ang mga mata ng lalaki. “Kanino po, Madam?” “Kanino pa ba?” “Kay Lukas de Crassus?” hindi makapaniwala nitong tanong, nandidilat ang mga mata. "Huwag ho sana kayong magagalit, Madam, pero akala ko po kasi nagsisimula ka palang na maging interesado kay Lukas de Crassus, at hindi mo pa nakakadaupang-palad ang lalaking ito, bakit gusto mo na agad na ibigay ang sarili mo sa taong ni hindi mo pa nakikilala nang husto?" “Dahil kakaibang gumana ang utak ko. Kailan pa ba ako umaktong katulad ng iba? Ito agad ang gusto ko, eh, at walang makakaawat sa akin. The mad hellhound ‘will’ deflower me. I will offer him my body and he will not refuse it." Nanghina na lang si Edilbar. Wala naman itong magagawa upang baliin ang gusto niya. "Madam..." "At hindi lang iyan. O, huminga ka muna nang malalim, dahil baka himatayin ka riyan. Because I’m also planning to drain his balls and squeeze every single drop of sperm out of him, then I will carry his babies in my tummy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD