IIWMB

801 Words
Chapter 4; STELLA POV. "Teka?" Pigil ko sa kaniya ng tuluyan na kaming nakalabas ng library, hawak niya parin ang kamay ko at ang sarap sa pakiramdam na yon. Gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa. Lumingon sa akin si Kairus at tiningnan niya ako na nagtatanong pero bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya ako. "Ang sabe sa akin ni Amara, isasama na kita kapag pupunta akong sa kanila kase alam niya na matatagalan tayo." Seryosong sabe nito. Bumagsak ang balikat ko ng akala ko gusto niya lang akong isama pero utos pala yon ni Amara. Huminga ako ng malalim bago ako tumango. I smiled. Dahan dahan kong binawi ang kamay ko na hawak niya at nilipat yon sa backpack ko. Don ako kumuha ng lakas. "W-wag na, dadaan pa ako sa apartment ko." Ngiting sabe ko. Bumuntong hininga naman si Kairus at umiling. "Mag hihintay ako,come on let's go" kinuha niya ulit ang kamay ko at wala akong nagawa kundi ang kumagat sa pang ibabang labe upang pigilan ang sarili ko. Nagsimula kaming maglakad sa gitna ng field. Nasa unahan lang ang mga mata ko nakatingin. Ang bilis ng t***k ng puso ko kaya ang ginawa ko ay kunwaring tumingin sa paligid Kunti nalang ang mga tao dahil siguro abala rin sila sa parating na exam. Pasimple akong tumingin kay Kairus na nanatili ang paningin sa phone. Umiwas ako ng narating na namin ang parking lot. "Get in." Marahang sabe nito. Hindi na ako nag salita at pumasok na. Umikot si Kairus sa driver seat bago niya pinahurot. Simula nong namatay si mama ay bumukod na akong mag isa. Nakatira ako isang apartment na binili ko dahil sa part time job ko sa isang company ng Montero Corp. Tumutulong naman sina tita sa akin pero nakakahiya na sa magulang ni Amara. Ang dami dami na nilang naitulong sa akin. Napatingin naman ako kay Kairus na seryosong nagmamaneho. Nasa daan.lang ang mga mata nito. Hindi ko mapigilang hindi matulala habang nakatingin dito. He's freaking handsome, almost perfect. Mayaman, mabait, at mapagmahal. Most of the time.seryoso ang lalaking to pero tumatawa lang at ngumingiti kapag kasama si Amara. Yon ang napansin ko kapag magkasama kaming tatlo. Imagine anim na taon itong nanligaw sa kaibigan ko pero sa anim na taon na un ay para sila lang din dahil nakikita ko sila minsan naghahalikan. Amg sweet sweet nila sa isat isa. Nagiging showy si Kairus pagdating sa kaibigan ko. "There u are, stop stairing, hindi ako makapag concentrate sa daan kapag merong nakatingin sa akin ng ganito kalapitan." Napa ayos ako ng upo dahil sa sinabe niya. Uminit ang pisngi ko bago ako umiwas ng tingin. Nakakahiya "Sorry" Mahinang sabe ko. Tumango lang ito saka nag patuloy sa pagmamaneho. Sa kalahating oras naming paglakbay ay tahimik lang kami pero naputol un ng tumunog ang phone ni Kairus. Napatingin ako dito at nakita ko kaagad ang wallpaper niya na si Amara habang malaki ang ngiti. Stolen shot yon pero kahit ganun, maganda parin ang kuha. Tiningnan ko rin ang caller at napabuga nalang ako ng hangin ng makita kong si amara ito. Tumingin ako sa bintana ng nakita kong nakangiting sinagot ito ni Kairus. "Babe?." Fvck. Pumikit ako ng mariin. Sana nagdala ako ng headphone para hindi ko maaring marinig ang matamis na salita na para sa kaibigan ko. Kinalma ko ang sarili ko. Okay lang yan Stella. Tiniisin mo pa hanggang kaya mo pa e handle ang sakit. "Yeah, i'm coming, iloveyoutoo." huling sinabe niya bago ito binaba. Naramdaman ko nalang na mas lalong bumilis ang pagmaneho niya. Ganyan ang nagagawa ni Amara sa isang Kairus. Isang utos lang ng kaibigan ko ay walang pag alinlangang gagawin un ni Kairus. Narating kaagad namin ang apartment ko. Lumabas kaagad ako at tinakbo ang apartment ko dahil pakiramdam ko nagmamadali siya. Pumasok ako sa loob kasabay non ang pag vibrate ng phone ko. Tiningnan ko ito Kairus : I'II be back! Just text me if ur done. Isang message galing kay Kairus. Kinagat ko ang pang ibabang labe ko. Gusto ko mang ngumiti pero hindi ko magawa. Nag reply nalang ako ng okay bago ako pumasok sa kwarto ko at naghanap ng isang casual na damit. Yong simpleng damit lang. Naghalfbath muna ako bago ako nagbihis at nag ayos ng sarili ko. Lumabas kaagad ako ng apartment ng marinig ko ang busina ng kotse sa labas. Nagmamadali akong bumaba at lumapit sa kotse and there, nakita ko si Kairus na nakapamulsa habang nakasandal sa sport car niya habang paulit ulit tumingin sa relo. He's freaking handsome. Nagtama ang paningin namin at hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba. Tumayo ito ng maayos at mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabe niya. "U look so d*mn beautiful tonight stella!" OH GOD!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD