Chapter 5;
STELLA POV.
Tahimik kaming pareho ni Kairus habang tinatahak namin ang bahay nina Amara. Marami na akong natanggap na papuri sa kahit sino pero ibang iba kapag si Kairus ang nag puri sa akin.
Hindi ako nakasagot kanina sa sinabe niya kase nawalan ako ng sasabihin. Naramdaman ko nalang na kasing pula ng kamatis ang mukha ko kaya wala akong ginawa kundi ang umiwas ng tingin.
Naguguluhan ako sa sarili ko. Gustong gusto kong makarating na sa bahay ng kaibigan pero iba ang sinasabe ng puso ko na parang gusto pa nitong makasama si Kairus, na hiniling nito na sana hindi tumigil ang pagmaneho niya.
Tahimik kaming pareho at halos ugong lang nang sasakyan ang tanging maingay lalong lalo na ang puso ko. Alam ko sa sarili ko kong saan ako lulugar pero bakit ang hirap pigilan ang sarili kapag kasama mo siya at katabe. Ang hirap hirap.
"We're here."
Bumalik ako sa wisyo ng marinig ko itong nag salita. Tumingin ako sa unahan at don ko napagtantong nakapasok na kaming sa isang malaking gate ng bahay.
Tinanggal ko kaagad ang seatbelt ko bago ako lumabas.
"BABE?"
Isang sigaw ng kaibigan ko mula sa double door na pintuan. Malaki ang ngiti nito at naka soot ito ng isang dress na kong saan hapit na hapit sa katawan nito. Ang ganda ng kaibigan ko.
Nanatili akong nakatayo malapit sa pintuan ng kotse ni Kairus kong saan ako lumabas.
Tumakbo kaagad si Amara papunta kay Kairus na kakalabas lang ng kotse at sinalubong ito ng yakap. Kinawit ni Amara ang dalawang kamay nito sa leeg ni Kairus at habang ang dalawang kamay naman ni kairus ay nakahawak sa bewang ni Amara.
Naghalikan silang dalawa.
Nanatili akong nakatayo. Natulos ako sa kinatayuan ko habang mariing nakatingin sa mga labi nilang magkalapat habang marahang gumagalaw. Kinuyom ko ang kamao ko at isang kalabit nalang tutulo na luha ko pero bago nangyare un ay umiwas na ako ng tingin at bumaling sa ibang direksyon.
"I miss u." Rinig kong malambing na boses ni Kairus. Dahan dahan akong tumalikod. Gustong gusto kong tumakbo pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko na para bang merong isang mabigat na bagay na nakadagan sa paa ko.
"Nagkita lang tayo kanina ah." Malambing na sagot ni Amara at hindi ko nakaligtaan ang isang tunong na halik. Nangingilid ang luha ko at yumuko upang tingnan ang paa kong napako lang sa kinatayuan ko.
"Still, i miss you" marahang sagot ni Kairus. Tumulo na ang isang butil kong luha. Hindi ko alam kong pagsisihan ko bang sumama pa dito.
Dapat sanay na akong masaktan eh kase imagine ang tagal kong tinago ang naramdaman ko pero bakit ganun? Masakit parin talaga habang nakikita mo ang lalaking mahal mo na merong mahal na iba.
It's hurts like h*ll!
"Besh? Andiyan ka pala?." Biglang gulat na sabe ng kaibigan ko. Kaagad kong pinunasan ang luha ko.
Kanina pa ako dito besh!
Lumingon ako sa kanila na sana hindi ko nalang ginawa dahil paglingon ko ay pagbigay naman ni Kairus ng isang bulaklak. Ngumiti ako.
"Yieeeee!" Kunwaring kinikilig na sabe ko habang tinutukso silang pareho. Namula ang pisngi ni Amara bago tinanggap ang bulaklak. Nakangiti ako sa kanila habang tinutukso pero sa loob loob ko masakit na talaga. Masakit na masakit na talaga.
"Awww, ur so sweet --ohh by the way let's go inside, i can't wait to introduce u as my boyfriend"
Tumago lang si Kairus bago ito hinila ni Amara papasok at iniwan ako dito. Sinundan ko sila ng tingin habang magka holding hands na pumasok sa bahay.
Yumuko ako.
Gusto kong umuwi at magpahinga kase grabe ang sakit na natanggap ko mula sa araw na ito. Gustong gusto kong umiyak.at ilabas ng sakit sa puso pero pinigilan ko dahil ayokong magmugto ang mata ko.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili bago ako dahan dahan naglakad papasok sa loob. Ang bigat bigat ng dibdib ko at nong kaninang kasiyahan na naramdaman ko nong kasama magkasama kami ay nawala at napalitan.ito ng sakit.