Chapter Forty-One SAMANTHA HINDI ako komportable nang marinig ko ang apelyidong iyon ngunit ayaw kong magconclude. Mahirap namang nagdedepende lang ako sa kutob at hinala ko kaya hahayaan ko na lamang. “Mahal, bilisan mo na. Malelate na tayo,” ani Sebastian. “Sandali na lang mahal,” sagot ko naman saka ko kinuha ang aking bag. “Wala ka na bang nakalimutan?” tanong niya nang makalabas ako sa kwarto. “Wala na sir. Nasa bag ko na rin yujg ibang Wedding invitations. Hindi ko pa kasi nabibigyan sina sir Christian,” saad ko habang isinusuot niya sa akin ang helmet. “Sige mahal. Akin na yung iba at baka may hindi pa ako nabigynan doon sa police station at saka para kay Police Master Sergeant Tolentino na rin. Kikitain ko siya mamaya,” aniya. May kakausapin na naman siya tungkol sa kaso