Chapter Forty-Four SEBASTIAN TUMAYO kaagdad ako nang marinig ko iyon. Dahan-dahan akong naglakad malapit sa lababo saka ko kinuha ang kutsilyo dahil wala na akong oras pang bumalik sa silid upang kunin ang aking baril. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan habang hawak-hawak ko ang kutsilyo. Pinihit ko ang door knob at sa pangalawang pagkakataon ay muli akong nakarinig ng malakas na tunog na gaya ng kanina. “Sino iyan?” tanong ko saka ko mabilis na binuksan ang ilaw sa labas. Nakita ko naman ang basag na bote ng softdrinks sa gilid. Ito yung narinig kong nabasag kanina. “Meow!” rinig kong huni ng pusa na nasa gilid ng upuan sa labas. “Ginulat mo naman ako Miming,” sabi ko. Siguro ay nasagi niya lang ang botr kung kaya nabasag kanina. Papasok na sana ako sa loob ng may bi

