Taong 2025
Hinihingal ito at pinagpapawisan habang hawak-hawak niya ang mga paa ng isang lalaki. Naliligo ito ng dugo at wala na rin itong malay. Wala siyang ibang maririnig kundi ang mga huni ng iba't ibang hayop at pati na rin ang ingay sa pag hila niya sa lalaki.
Nang makita niya ang lamesa, huminto siya. Iniwan niya ang katawan sa gilid ng hukay. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang lighter upang sindihan ang sigarilyo na kinuha niya doon sa lamesa, may tali rin at may isang galon ng gasolina.
Humakbang siya patungo sa may punong narra habang sinisindihan niya ito at iniligay niya ito sa kanyang bibig.
"Ang bigat mo pa lang hayop ka!" natatawang sabi niya. Ibinuga niya ang usok ng sigarilyo habang nakatingala siya sa langit. Nakikita niya ang buwan at ang mga bituin na tila nagsasayawan ang mga ito sa kinang. Muli niyang pinagmasdan ang lalaki. Nakahandusay pa rin ito sa lupa. "Ahhh ang ganda ng buwan?" saad niya. "I remember the nights we spent gazing at the moon, taking turns with the Hubble Telescope that Dad gave me, it was such a great time isn't it?" pagkukwento niya. Bumalik siya sa may lamesa at kinuha niya ang tali at ang gasolina.
Nag lakad siya patungo sa lalaki.
Huminto siya at naupo. "Ang buong akala ko nga, iyon lang aagawin mo sa akin?" natatawang sabi niya. "Pero kinuha mo ng unti-unti ang dapat ay sa akin demonyo ka! Masyado kang pabida!" ngit-ngit at galit niyang ibinubuhos ang kanyang hinanakit sa kanyang nakababatang kapatid. "Kinuha mo na nga ang kompanya pati ba naman yung nagugustuhan ko? Hindi mo lang siya pinagsawaan hayop ka! Pinagmukha mo pa siyang baliw kakahabol sayo!" sigaw niya. Tinalian niya ang kanyang buong katawan upang hindi na siya makagalaw. Sinipa pa niya ito upang mahulog sa ginawa niya hukay. "Bakit sino ka ba ha? Hindi naman halata na mas gwapo ako sayo, yun nga lang mas may pera ka dahil sa kompanyang inahas mo sa akin gago ka!" dugtong pa niya. Matapos niya itong ihulog. Ibinuhos pa niya ang gasolina sa kanyang mukha hanggang sa kanyang buong katawan.
"Hoyy?! Gising!" sigaw niya habang nakangiti siya ng mapanuya. "Martin, gising na! H'wag mo na akong pahirapan total sa impyerno ka naman dadalhin pagkatapos nito"
Maya-maya lang dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Natatanaw niya ng malabo ang buong paligid. Wala siyang ibang nakikita kundi ang kadiliman ng gubat at ang pala na nakasubsub sa lupa. Nararamdaman rin niya ang sakit sa ulo matapos siyang paluin ni Calixx. Iginalaw niya ang kanyang kamay subalit napansin niyang parang may pumipigil sa kanya. "Hayop ka?! What did you do to me? You piece of s**t! Get me out of here Calixx!" sigaw nito sa kanya. Nakikita niya itong tumatawa ng malakas sa itaas.
"You know what? I really wanted to see you cry, begging for life yet I don't get any apology from you Martin!" ani niya habang pinagmamasdan niya ang lighter na kanyang sinindihan. "Ang tigas-tigas mo pa rin!"
"Ok, sorry, sorry for everything Calixx! Just get me out of here please" pagmamakaawa ni Martin sa kanya. "Kuya? Parang awa mo na!"
Lumakad ito papalayo kay Martin habang patay sindi ang lighter na pinagmamasdan niya. Pinakikinggan niya ang pakiusap at pagmamakaawa ni Martin tila isang napakagandang musica ang dumadaloy sa kanyang tainga.
"Ano nga ulit yun?" pagtatanong niya ulit.
"Pakawalan mo na ako dito please!" pagmamakaawa niya
"I'm sorry but it's too late!" ani niya. Itinapon niya ang lighter patungo sa kanya.
"Cut!" sigaw ni Antonio, ang director sa pelikulang Silent Revenge. "Good Job Steffin!" pagpupuri nito sa kanya. Nakaupo siya. Tinitingnan niya ang mga kuha ng cameraman sa dailies habang nakatingin siya kay Steffin. Nakasuot siya ng kulay itim na sumbrero, kulay black na T-shirt at naka three-forth.
"Thank you direk!" pagpapasalamat niya sa kanyang direktor. "Ok ka lang Zack?" pagtatanong niya sa kanyang co-actor. Si Zack Dela Cruz, ang kaaway niya sa pelikula. Naliligo pa ito ng dugo sa kanyang ulo, may pasa pa sa kanyang labi at punit-punit rin ang kanyang damit na inilagay ng make-up artist at stylist sa kanya.
"Yup!" matipid na sagot nito ng nakangiti. Nakaupo siya habang naghihintay pa ng retake sa kanyang scene.
Nakikita rin niya ang pag-aayos ng mga props-man at staff upang maging maayos pa ang mga scene na kukunan. Naglalagay rin sila ng mga lightings at iba't ibang uri ng special effect sa set upang gawing umuulan at kumikidlat ang scene niya mamaya.
Tumakbo ang kanyang Personal Assistant habang may dala-dala siyang pamunas. Mahaba ang kanyang buhok at morena ito, hindi rin gaano katangkad at hindi rin gaano kaamo ang kanyang hitsura. "Ayos ka lang sir?" tanong niya. Pinupunasan na niya ito habang nag-aalangan ito sa isasagot ng kanyang amo.
Nagkunot ang kanyang noo nung marinig ang tanong ng kanyang p.a. "Of Course I am, stupid!" saad niya. Inirapan pa niya ito.
Pumasok na siya sa kanyang tent. Nakikita niyang maayos ang pagkakalagay ng kanyang mga gamit. Maayos rin ang pagkakalagay ng kanyang mga damit, props at make-up.
Umupo siya sa may salamin, napagmasdan niya ang kanyang mukha at nakita niyang tila may dumi sa kanyang ilong. Saktong dumating din ang iba pang mga nag-aalaga sa kanya.
"You?" pagturo niya sa isang babae sa salamin. "Kindly remove my make-up, faster!"
"Opo sir" saad niya. Kinuha niya ang gapas at linagyan niya ito ng liquid na make-up remover. Ipinahid niya ito sa kanyang mukha.
"Arayy! Ang bigat ng kamay mo! Are you the make-up artist?" pagtatanong niya sa babae.
Yumuko ito habang nanginginig "H...Hindi po"
"Hindi naman pa la-" naputol ang kanyang sasabihin nung bigla na lang pumasok sa kanyang tent ang kanyang manager.
Si Ganda, matanda na ito pero malayo pa sa uugod-ugod. Short hair ang style ng kanyang buhok, nakalong-sleeve stripe rin ito at nakapantalon. "Steffin!" bungisngis na pag tawag niya sa kanya. "Guess what?" wika niya.
"What?"
Kumunot ang kanyang mga kilay habang papalapit ito sa kanya. "Nakalimutan mo na ba?"
Inalala niya ng mabuti ang nangyari nung nakaraang linggo. Iniisa-isa niya ang bawat event, party at audition niya for becoming a hollywood star pero walang sumagi sa tuktok ng kanyang ulo na kailangan niyang kabisaduhin. "Ano nga?" tanong niya
Hinawakan nito ang kanyang mga bisig habang nakangiti siya na para bang may kapanapanabik na mangyayari bago matapos ang taon. Nakatitig sila pareho sa salamin. "Pinatawag ako ng CEO sa kanyang opisina to talk about your career at alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin?" tumingin siya kay Steffin. "Congratulation! Ikaw ang napili bilang Primetime Prince!"
Nakikita niya sa salamin ang galak ng kanyang manager nung ibalita sa kanya na siya na ang hinarang bilang Primetime Prince.
Hindi siya ngumiti. Nakatutok pa rin siya sa salamin habang kinuha niya ang make-up remover upang maghidhid sa sarili niyang mukha.
Nakita siya ng kanyang manager na hindi natutuwa sa kanyang ibinalita. "Why aren't you happy?" pagtatanong nito sa kanya. "What's the saddening face all about? Hindi ka ba magcecelebrate man lang?" sunod-sunod na tanong ni Ganda.
Bumuntong hininga siya. "What for? Atsaka alam ko naman yan dati pa eh" sagot niya. Itinuon niya ang kanyang atensyon sa kanyang P.A., nakahawak ito sa kanyang tablet pati na rin sa kanyang watered bottle. "P.A.? Kindly read my schedule this morning please" wika niya.
"Anong what for? Steffin? Aren't you glad na sa dinamidami ng mga artista ngayon na naghahangad sa posisyon na yan? Sayo ibinigay? So what do you think is the best reaction for that? Huh?"
"Whatever"
Inilagay niya ang kanyang watered bottle sa lamesa at in'open niya ang tablet. Tiningnan niya ang mga nakafollow up na mga schedule. "Ahh sir, you have a talk show this 8:00 am live po, atsaka after that mayroon ka ring photoshoot at exactly 10:00 am at mayroon meeting for your business at 11:00 a.m. yun lang po"
Inilagay niya ang make-up remover sa lamesa kasama ang mga make-up na ginamit niya. "Ok, that's a wrap-up for today" saad niya. Nakaramdam siya ng antok kaya't tumayo na siya at nagpalit ng damit sa kanyang comfort room.
"Steffin? Wala ka man lang bang sasabihin sa akin?"
Matapos niyang magpalit ng damit, kinuha niya ang kanyang pabango. Isa itong Passant Guardant. Ang pinakamahal na pabangong nabili niya ng kalahating milyon. Inispray niya ito sa kanyang leeg at sa kanyang kamay.
Inayos niya rin ang kanyang damit matapos siyang mag spray habang nakatitig ito sa salamin. "Hair stylist? Will you please fix my hair?" ani niya sa hair stylist. Ibinaling niya ang kanyang atensyon sa kanyang manager habang inaaayos ang kanyang buhok ng hairstylist. "Sige ikaw bahala, kung gusto mong magpaparty hindi kita pipigilan basta't h'wag mo lang akong i-istorbohin" saad niya habang nakatitig siya sa salamin. "Ayusin mo, ano ba!" galit niyang wika sa kanyang hair stylist.
"Ok sabi mo eh" wika ng kanyang manager "Bukas? Yung interview mo? Ayusin mo?" pagpapaalam ng kanyang manager sa kanya.
__
Kinabukasan, inilagay ng kanyang chief sa mesa ang iba't ibang uri ng pagkain, merong black rice, bread, salad, beacon, beef at hotdog na ginawa niya lang gamit ang preskong baka. Meron ding fresh milk at juice na gawa rin sa mga preskong prutas.
Pinili niya ng mabuti ang mga ito dahil iyon ang utos sa kanya ng kanyang amo. Linuto rin niya ang mga pagkain ng maingat at inayos niya ang mga dikorasyon upang mas maging kaaya-aya ang mga ito. Sa pagkakaalam niya sa kanyang amo, ayaw niya ng madumi at makalat kaya't linilinisan niya ng maigi ang kanyang pinaglutuan.
"Good morning sir" bati niya kay Steffin.
"Good morning" saad niya. Tiningnan niya ng mabuti ang lamesa, inaamoy pa niya ang bawat pagkaing inihanda ng kanyang chief sa kanya. "Hmm..." pagkamangha niya.
Dumiretso siya sa kusina, chine-check niya kung maayos at malinis ang kanyang pinaglutuan. Nakikita niya ang mga utensils na nasa maayos na lugar pati ang mga ingredients na ginamit niya.
Bumalik siya sa mesa at kumain na siya. Gamit ang tinidor, tinusok niya ang hotdog na kanyang linuto at kaagad niya itong isinubo. "Hmmm... Delicious" papuri niya sa kanyang chief
"Thank you sir" nakangiti nitong wika
Tinikman din niya ang juice. Inilagay niya ito sa kanyang baso at kaagad rin niya itong ininom. "Hmmm by the way, your paycheck has been transferred to your account" seryoso niyang sabi sa kanyang Cook. "I have to go" nagmanadali siya.
Tiningnan niya ang orasan at nakita niyang isang oras na lang natitira ay dapat nandoon na siya sa kanyang network. Tinawagan niya ang kanyang P.A. nasa left wing ang mga ito upang sunduin siya ng kanyang driver sa labas ng kanyang mansion.
Nasa garage na siya. Nakikita niya ang kanyang mga pinagtrabahuan, iba't ibang uri ng klaseng kotse ang nandoon, may sportscar, SUV at ang kanyang ginagamit ang Bugati Veyron.
Dumating na si Jennifer, dala-dala niya pa rin ang kanyang tablet. Hindi niya ito iniiwan kahit saan man sila magpunta. Humahangos siya at pinagpapawisan.
"Let's go" saad niya. Pumasok siya sa loob pati na rin ang driver at si Jennifer.
__
"Aside from being the hottest man in the Philippine showbiz, ikaw rin ay itinanghal bilang pinakabagong Primetime Prince in your generation? What can you say about that?" tanong sa kanya ng interviewer. Si Shantal Del Mondo. Siya ang pinakatanyag na mangangalap ng impormasyon para sa mga i-interviewhin niyang artista. Tinagurian din siyang Queen of talk ng International Giving Body. Nakasuot siya ng kulay pink na suit at kulay pink din na palda.
"Well, ahmmm..." pinutol niya ng saglit ang kanyang sasabihin sa interviewer. Tumingintingin siya sa itaas, sa baba, sa harap habang nag-iisip siya ng isasagot. Napagmasdan niya ng saglit ang mga staff na nagtutulong-tulong upang maitawid ng maayos ang interview pati na rin ang kanyang manager na nakaupo sa harapan. Nakangiti ito. Mayroon ding mga columnist na nag-aabang sa kanyang isasagot.
"First of all, I... I don't really know about me getting that title, kasi sa totoo lang hindi naman ako naghahangad ng ganitong kalaki na parangal o kung anoman. Ang importante lang sa akin ay yung trabaho, na magkaroon ng iba't ibang klaseng project at makatulong sa iba't ibang foundation" saad niya. Nakatingin siya sa camera, ipinapakita niya ang kanyang sincerest expression bilang actor na nagsasabi ng puro kasinungalingan. Mabibilang lang ang iilang foundation na pinapaduluyan niya ng barya.
"But when my manager told me about it last night, hindi ko alam kung matutuwa ba ako? O hindi kasi hindi ko talaga yun ini-expect!" patuloy na sabi niya sa interviewer habang nakatingin lang ito sa kanya ng diretso. "Pero nung pag uwi ko sa bahay dun lang nag sink-in sa akin kung gaano ako ka'blessed, dun ko lang din na pag tanto na medyo matanda na pa la ako sa industriyang ito, it's been 15 years since lumabas ako sa television, kaya maraming maraming salamat sa aking mga bosses. Thank you so much!" nagkukunwari siyang tumatawa sa mga nanunuod sa kanya.
"Wow! A very humble young man?!" papuri sa kanya ni Shantal habang nakangiti ito sa harap ng camera.
Lumipas ang ilang minuto, tumingin siya sa Director. Inutusan niya ang staff na ibigay ang tablet kay Shantal habang na kay Steffin nakatutok ang camera. Sign na rin ito upang magpalit na ng tanong. Tumingin ulit siya kay Steffin habang hawak-hawak na niya ang tablet. "Ok so, we have here a random question about you, sa twitter namin itong kinalap and just to remind everyone that everything about the question is just once a thought about the actor, there's no edit, just fact" binuksan niya ang kanyang tablet at binasa ang unang tanong. "Ang sabi dito, 'Hi, just hide my identity po, ang tanong ko bakit sa dinami-daming actor ang maaaring matawag na prime time prince eh bakit siya pa? ang sama-sama ng ugali niyan' oh my gosh! Totoo ba to?"
Agad niya naman itong sinagot "Everyone has an attitude at hindi ko naman yun ikinakaila but just to remind you that even a nicest celebrity can be as bad as you think" natatawa niyang tugon "Lalo na pag hindi rin maganda ang pagtrato mo sa kanya, tao lang po kami hindi Dios" dugtong pa niya.
Nagpalakpakan ang lahat ng nanunuod, may naririnig pa siyang hiyawan habang itinataas ang kanilang mga hawak na banner. Nakasaad doon na 'We Love You Steffin' may heart pang nakalagay sa dulo.
"That was so hot Steffin! Ouch!" papuri niyang sabi habang pumapalakpak rin ito. "Grabii rin yung mga fans mo" nakangiti ito habang tinitingnan niya ang kanyang mga fans na naghihiyawan. "Anyway, here's the other question" saad niya. Tumahimik rin ang mga audience nung suwayin sila ng Direktor.
"Sabi ni Angela 'Matagal ko nang gustong malaman kung bakit NGSB ka pa rin hanggang ngayon Steffin? Why Steffin?'" nanlaki ang kanyang mga mata nung mabasa niya iyon kaya't napatingin siya agad kay Steffin. Itinapat rin ang camera sa kanya . "Good question, oo nga, bakit nga ba Steffin?"
Natahimik siya ng saglit, hindi niya rin maiwasan na tanungin niya ang kanyang sarili kung bakit single pa rin siya hanggang ngayon. Tumingin siya kay Shantal. Nakikita niya itong sabik na sabik malaman ang kanyang magiging sagot.
Pati ang mga audience tila natahimik rin, nag-aabang rin sila kung ano ang kanyang magiging kasagutan.
"Sa totoo niyan..." huminga siya ng malalim. Tumingin siya sa harapan subalit wala siyang makita na audience dahil sa malakas na ilaw na nakatutok sa kanya tanging direktor lang at mga staff ang kanyang nakikita. Tumingin rin siya sa kanyang manager umaasa siyang magbibigay ito ng kahit anong sign language ngunit wala na ito sa kanyang harapan. "Hindi ko rin alam" seryoso niyang wika.
.
.