NAGISING si Lara na tila nasa ibang lugar ito, inilibot nito ang kanyang paningin ng mapansin niyang nasa isang kwarto siya ng hospital. Pilit niyang inalala ang mga nangyari, sa huling ala-ala niya ay biglang nagdilim ang kanyang paningin noong nasa loob siya ng klase. Sobrang sama ng pakiramdam niya na tila magkakatrangkaso siya. Sinabihan pa siya ni Dylan na huwag na munang pumasok pero nagpumilit siya. Pinilit niyang umupo, dahil nakaramdam siya ng pagkauhaw. Nang makita niyang my bottled water sa table na katabi ng hospital bed niya. Pilit niyang inabot ito ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwa nito si Manang Rosita. "Gising kana pala iha, nauuhaw kaba?" kaagad itong lumapit sa kanya para iabot ang bottled water sa kanya. Ininom naman niya kaagad ito. "Salama

