DYLAN'S POV : MULA sa bahay ni Sean buhat buhat ko si Lara pauwi ng bahay. Lalo pa itong nagpupumiglas at pinipilit akong ibaba na siya. "Pwede ba ibaba mo na ako! Dylan ano ba, nakakainis ka!" kasabay ng paghampas nito sa likuran ko. "Stop it Lara, baka mahulog ka diyan!" hindi ko na napigilan ang aking sarili at napapalo ko na ito sa pwet. "Aray, ibaba mo na kasi ako. Hindi na ako bata para paluin mo sa pwet, bastos!" natatawa naman ako sa naging hitsura nito. Pagkapasok namin ng gate ay ibinaba ko narin ito. "Galit ako sayo, huwag mo akong lalapitan!" nagmamadali itong naglakad paakyat ng hagdan. "Lara anak, kain kana muna!" tawag naman ni Manang dito pero hindi man lang ito sumagot. "Tsk. Hayaan na muna natin siya Manang, masungit eh!" tumawa naman si Manang. "Baka naman naglil

