LARA's POV : MABILIS ang paglipas ng mga araw, naging maayos ang lahat sa amin ni Dylan. Hatid sundo niya ako sa school, at kapag wala naman itong time para sunduin ako ay pinapapunta niya ang kanyang driver na siya namang susundo sa akin. Isang araw, araw ng Sabado ay namalagi ako ng bahay. Gusto kong tumulong sa mga gawaing bahay, kaya nagpasya akong tulungan si Manang Rosita sa paglilinis ng buong bahay. Ayaw pa nitong pumayag noong una, but I insisted. "Iha baka magalit sa akin ang asawa mo kapag naabutan niya tayong naglilinis. Hayaan mo na lang ako anak, kaya ko naman, sige na maligo ka na at sigurado pauwi na iyon ngayon." gusto ko pa sanang tumulong kaso ayaw na talaga ni Manang. Hanggang sa marinig ko ang huni ng sasakyan ni Dylan, katatapos ko lang din maligo eksaktong alas nu

