Chapter One

3283 Words
THE crowd was in silence. Nasa stage si Limien playing Rachmaninov Piano Concerto No. 2 in C 1st Movement kasama ang kapwa pianist niya na si Vladimir Cerio at ang Imperica Orchestra. It was her first major concert bilang isang ganap na pianist pagkatapos ng successful launch ng kanyang classical music album isang taon na ang nakakalipas. In her mere surprise, puno ang buong CCP complex sa gabing iyon. And when she finally played the last few notes to end up the superb performance for that night, bigla niyang nakita ang Daddy Ross niya. Nakatayo ito sa gilid ng stage, pinapanood ang performance niya. The crowd created encouraging noise after the last note. Standing ovasion ang ibinigay ng buong CCP sa kanya. Bilang isang alagad ng sining ng musika, iyon na ata ang pinakamasarap na feeling. Pero wala sa crowd ang attention niya kung ’di sa kanyang ama na ngayon lang niya nakita sa tanang buhay niya. “Dad!” Tinawag niya ito. Ngumiti lang ito pagkatapos ay tumalikod at naglakad palayo. Sinundan niya ang kanyang ama. Iyon na ang pagkakataong minimithi niya. Tumakbo siya para maabutan ito. Nagulat na lang siya nang huminto ito sa paglalakad. Kasabay noon ay nabago ang lugar kung nasaan siya. Mula sa parking lot ng CCP ay naging isang magandang hardin ang lugar na iyon. Binalingan siya ng kanya ama. Nagulat siya nang maging malungkot ang mukha nito. “Dad . . .” “Magaling kang musician, anak. Malayo ang mararating mo. Proud na proud ako sa ’yo.” Bahagya itong ngumiti ngunit hindi iyon umabot sa expressive nitong mga mata. “Dad, bakit malungkot ka?” Hindi nito sinagot ang tanong. Bagkus ay inilibot nito ang paningin sa magandang hardin na kinaroroonan nila. “Ang garden na ito, ’di ba ito ang unang pangarap mo?” “Po?” Inilibot niya ang paningin sa lugar. Matagal na niyang gustong magkaroon ng botanical garden. Iyon ang dahilan kung bakit related to plants ang kinuha niyang kurso. “Matutupad mo ito kung maalala mo ang regalo ko sa ’yo.” Naglakad na uli ito palayo. Sinubukan niyang habulin uli ito. Hindi pa niya ito nayayakap. Gusto niyang maramdaman ang presence ng tatay niya. Gusto niyang mayakap ito pero bago pa niya ito mahawakan ay bigla itong naglaho. “Dad!” Napabalikwas ng bangon si Limien. At dahil sa sofa lang siya nakatulog, nawalan siya ng balanse at nahulog sa carpeted na sahig. “Aray!” “Nagsi-circus ka? Bagong career?” tatawa-tawang buska ni Hamiel. Kasalukuyang naghahanda ito ng hapunan sa mesa. Ang hinayupak, hindi man lang naging concern kung nasaktan siya sa pagkakahulog. Doon lang siya nahimasmasan. Naroon nga pala siya sa condo unit ni Hamiel. Binisita niya ito dahil kakauwi lang nito mula sa fashion show sa Europe at humabol lang sa concert niya noong nakaraang gabi. Aside from being the male lead vocalist of the famous Karisma Band, Hamiel Catacutan was also the most popular commercial and ramp model in the country. Dahil ipinanganak itong biniyayaan ng langit ng full-packed kaguwapuhan mula ulo hanggang toe nails, dumadami at padami nang padami ang mga babae at mga feeling babae na nagkakandarapa sa atensyon nito. But above the stardom and limelight, ang first love nito ay animals. He’s a licensed veterinarian. Si Limien naman, right after niyang makapagtapos ng BS. Biology Major in Plant Biology ay binalikan niya ang passion sa classical music. Nagagamit niya ang talent bilang pianist and co-lead vocalist sa Karisma Band, ang banda nilang magkakaibigan na nagsimula pa noong college students pa lang sila and still invading the music industry even after years. Nakatapos din siya ng crash course sa isang conservatory school. Since she was young ay kabi-kabilang piano competition na ang sinalihan niya at lahat iyon inuuwi niya ang 1st place. She offered her music to her Daddy Ross na alagad din ng classical music noong nabubuhay pa ito. She worked hard on her debut classical music album last year like what she promised to her father few years ago. At dahil katatapos din lang ng concert ni Limien kagabi sa CCP, pagod pa siya at kulang sa tulog kaya nakatulog siya sa sofa. Naalala niya ang panaginip. Sa wakas, nagpakita na ang tatay niya sa kanya. Posible kayang nanood din ng concert niya kagabi ang ama niya? “What does he mean?” “Who? Nagtapat na ba sa ’yo ang crush mo?” tudyo pa ni Hamiel. Lumapit pa ito sa kanya at pinisil ang kanyang pisngi. “Adik ka. Sa torpe to the max ni Vlad, sa tingin mo, paano iyon magtatapat sa akin?” Nakasalampak pa rin siya sa sahig. Kinuha niya ang throw pillow at niyakap iyon. “Sayang hindi ko siya nayakap.” Pinisil ni Hamiel ang ilong niya. “Ano ba?! Amoy bawang ang kamay mo!” reklamo niya. “Ikaw, matindi talaga ang pagnanasa mo kay Vlad ano? Napanaginipan mo siya talaga?” Napangiwi siya. “Hamham, hindi naman si Vlad ang tinutukoy ko, eh.” “Sino? Ibang lalaki? Naku, lagot ka sa tatay mo! Remember ang sabi niya bawal ka pang mag-boyfriend hangga’t wala ka pang stable career,” iiling-iling na sambit nito. “Wait, anong career ba ang tinutukoy ng tatay mo? You are a successful icon in the music industry now. Puwede ka na sigurong mag-boyfriend. Unless, ang tinutukoy ng tatay mo ay iyong professional career. Wala ka pang career background sa course na tinapos mo. In that case, ’di ka pa puwedeng magka-boyfriend.” Napakunot-noo siya sa analysis nito. “Naalog ba ang ulo mo sa pagsakay sa eroplano?” pakli niya pagkatapos ay seryosong hinarap niya ito. “Napanaginipan ko si Dad. First time.” Umupo na rin ito sa sahig sa tabi niya at sumandal sila sa sofa. “How was it?” seryoso na rin ito. They had been friends for almost whole of their lives. Naging magkasosyo sa negosyo ang mga magulang nila na naging daan para maging childhood friends sila. Five years old pa lang si Hamiel ay naging kuya-kuyahan na niya ito. She was two years old then. Ikinuwento iyon ng nanay niya sa kanya. Ang naaalala na lang kasi niya ay kinamulatan na niyang andiyan sa tabi niya si Hamiel. Best friend, kuya, kapatid, tatay, kabatak, kakulitan, kaaway . . .tagapagtanggol, tagasaway . . . lahat na. He was more than what best friend meant to her. Alam nila ang kuwento ng isa’t isa. At dahil nga mag-best friend, siyempre wala silang secrets. Alam nitong pagdating sa tatay niya ay seryoso siya kaya nagseryoso na rin ito. Umiling siya. “Malungkot siya. Well masaya siya noong sinabi niyang proud siya sa akin pero bigla siyang nalungkot. Dinala niya ako sa isang napakagandang garden. Sabi niya makukuha ko ang pangarap ko kung maalala ko raw ang regalo niya—” Natigilan siya nang matukoy ang sinasabi ng tatay niya. “Oh my, Hamham! Iyong gift ni Dad sa akin. Nakalimutan ko na iyon!” “Kaya siya malungkot kasi hindi mo pinansin ang lupang ibinigay niya sa ’yo. Ni hindi mo pa napupuntahan ang lupa na iyon, ’di ba?” “Hindi pa nga. Ano’ng gagawin ko? Nagtatampo siguro si Dad. Kung kausapin ko kaya si Tomomi para kausapin si Dad?” Ang tinutukoy niya ay ang best friend niya na nagkataong kapatid ng crush niyang si Vlad. May ability itong makipag-chika-han sa mumu. Tumayo si Hamiel at hinawakan ang kamay niya. “Relax lang, Mien. You don’t have to do that. Nagpapaalala lang ang dad mo. Mabuti pa, kumain na tayo. The dinner is ready.” Inalalayan siya nitong makatayo at dumulog na sila sa hapag. Magaling magluto si Hamiel. Kaya naman ’pag magkasama sila ay hobby na niya ang makikain sa luto nito. Japanese food ang inihanda nito. And to complete the drama, chopsticks ang gamit nila. “Ang sarap mong magluto, Hamham! Puwede ka nang mag-asawa!” biro niya sabay subo ng special tempura nito. “Ayaw pa ni Theacar mag-asawa,” tukoy nito sa three-years long girlfriend nito. “Besides, marami pa rin naman akong gustong ma-achieve bago ako mag-settle down.” Tumawa siya. “Seryosohin ba ang biro ko. Ewan ko sa ’yo. How’s the hottest celebrity in red apron, huh?” Napapangiti talaga siya tuwing nakikita niya itong naka-red apron. Hindi nito choice ang red pero wala itong nagawa dahil ang apron ay galing mismo sa mama nito. “’Wag mong pag-trip-an ang apron. Nananahimik ito,” tumatawang buska nito. “Adik.” “Adik ka rin! Magkabituka tayo, eh!” “Seryoso, how’s your Europe trip?” Nagpatango-tango ito. “The place is still awesome. Gusto kong bumalik sa Paris nang paulit-ulit. But then, it was so tiring. Isang araw lang ako nakapaglibot. At wala akong nabili para sa ’yo kung ’di . . .” inilabas nito sa bulsa ang isang kwintas at ipinakita sa kanya, “ito.” “Wow!” She remembered that necklace. Nang minsang magbakasyon silang dalawa sa Paris ay nadaanan nila ang isang jewelry shop. Nagustuhan niya ang kuwintas na iyon pero hindi na niya nabili dahil nagmamadali sila noon. Tumayo ito at isinuot sa kanya ang kwintas. “Like it?” “Of course, magkano nga uli ito? Ilang gives ko sa ’yo?” biro niya. Tumawa lang ito. “Sira ulo ka talaga, Mien.” Ngumiti lang siya. “A thank you will do, my princess.” “Thank you, Hamham!” Niyakap pa niya ito bago ito bumalik sa upuan nito. “Teka nga. Pinagluto mo ako ng yummy na food at binigyan mo pa ako ng necklace. Eh si Theacar ba naipagluto mo na ba? Ano’ng ibinigay mo sa kanya?” “Yeah, kaninang umaga. I had a breakfast with her and the family.” He smiled. “I gave her a ring.” “Engagement ring?” excited na tanong niya. Umiling ito. “Hindi pa. Relationship ring lang iyon.” “Naks! Pa-sweet ang loko!” tudyo niya rito pero natigilan siya nang biglang sumeryoso ang mukha nito at napabuntonghininga pa. “May problema ba?” “Ngayon ang flight ni Theacar papuntang Miami.” “Oh, ’di mo siya ihahatid?” Umiling ito. “Bakit naman?” “Sabi niya ‘wag na raw. Kasama naman niya si Heijiro.” A trace of worry suddenly appeared on his face. Hindi na kailangang itanong ni Limien kung ano ang dahilan. Heijiro was Theacar’s ex-boyfriend and first love. When things got complicated between Theacar and Heijiro, naghiwalay ang dalawa at pumasok naman sa buhay ni Acar si Hamiel. First love ni Hamham si Acar. “Matagal na silang wala, Hamham. Three years na rin ang relasyon ninyo. ’Wag kang mapraning diyan. They’ll just be working together at Miami.” Umiling ito. “I don’t know. Natatakot ako. Alam naman natin na walang negative thing kaya sila naghiwalay. Nagkawalaan lang sila ng oras sa isa’t isa. But now, they’ll be working together, mas mapapadalas na magkasama sila.” “Sa tingin mo, lolokohin ka ni Acar?” “I don’t know. Theacar still loves him. It’s just merong ako ngayon. Lately nawawalan ako ng oras kay Theacar dahil sa hectic schedule ko. Paano kung sa pagbalik niya, malaman kong nawala na pala siya sa akin?” Tumayo siya at niyakap ito. “Just have a faith in your relationship. Mawawala sa kanya ang isang yummy na biyaya ng langit ’pag iniwan ka niya, ano!” biro na lang niya. Tumawa ito. “Ikaw talaga! Alam mo kung hindi kita best friend, iisipin ko pinagnanasaan mo rin ang katawan ko.” “Kanasa-nasa naman ba iyan?” nagdududang tanong niya. “Patingin nga!” biro pa niya. Pabirong binatukan siya nito. “Aning ka talaga!” “Pinapatawa lang kita.” Bumitiw na siya rito at bumalik siya sa upuan niya. “Ano’ng plano mo sa regalo ng daddy mo?” mayamaya’y tanong nito. Natigilan si Limien hanggang sa may naisip siyang magandang idea. “Sumama ka sa akin bukas.” *** HAMIEL was driving his way to the subdivision where his family lived. Limien’s family were also living in the same subdivision. Magkatapat lang ang bahay nila. He’s kinda sad. Kaninang umaga ay tinawagan niya si Theacar and discovered that she’s cheating on him. Dalawang buwan nang alanganin ang relasyon nila ni Theacar. Ayaw lang niyang aminin sa sarili niya na wala nang patutunguhan pa ang relasyon nila. The way she talked parang palaging nagpapahiwatig ito na makikipaghiwalay na ito sa kanya. Even the ring na ikinuwento niya kay Limien na ibinigay niya rito, isinauli nito. Natanggap niya ang singsing kaninang umaga. Ayaw niyang isipin na ang dahilan noon ay ang pagbalik ni Heijiro sa buhay nito. Alam niyang una sa lahat, kasalanan niya dahil aminado naman siyang hindi si Theacar ang first priority niya sa buhay. Ni wala ngang nakaaalam na girlfriend niya ito maliban sa mga kaibigan niya. He never admitted her to the public. Ni hindi nga niya naipakilala sa magulang niya ang dalaga. Kunot-noong pumasok siya sa bahay nila sa isang subdivision. Magpapakita muna siya sa magulang bago niya sunduin si Limien sa katapat na bahay. “Oh, kuya kong pogi!” Sinalubong siya ng yakap ng bunsong kapatid na si Amhiela. She just graduated from her Bachelor degree in Multimedia Arts. Photography ang major nito. Kasalukuyan itong nagtatrabaho sa company na pagmamay-ari ng pamilya nina Vlad na crush naman ni Limien. Tatlo lang silang magkakapatid. Siya ang panganay, ang sumunod ay si Miguel na sa ibang bansa nagtatrabaho at si Amhiela ang bunso. Ito na lamang ang nakatira kasama ng magulang niya sa bahay. Mas madalas kasi siyang sa condo unit niya umuuwi dahil mas malapit iyon sa advertising agency na may hawak sa kanyang modeling commitments. Malapit din ang condo unit niya sa veterinary clinic nila ng kapwa niya veterinarian na si Dana Ferrer, ang lead guitarist ng Karisma at pinsan ni Limien. “’Asan sina Mama?” tanong niya sa kapatid sabay akbay dito. “Iyon, nasa kusina, nagmo-moment,” tugon ng kapatid niya. “Look, oh!” Ipinakita nito ang pictures mula sa camera nito. Bumungad sa kanya ang larawan ng kanilang ama’t ina na masayang nagluluto sa kusina. Napangiti si Hamiel. He never thought that their parents would sustain that sweet relationship. Sa naaalala pa niya, nagsisigawan ang mga magulang niya nang una niyang nakitang magkasama ang mga ito. Limang taon na siya nang magpakasal ang magulang niya. He was so young to understand what her mom did that time . . . kung bakit apat na taon na siya nang makilala niya ang kanyang ama. He couldn’t forget that day na makita niya ang kanyang ama sa unang pagkakataon. Hindi nito alam na may anak ito sa mama niya. Magulo sa isip niya noon ang lahat until his parents told him the true story noong high school na siya. He was a product of successful artificial insemination. Parehong walang idea ang magulang niya noong una na ang ama niya ang naging confidential donor ng kanyang ina. Until, bits of evidences came out and DNA confirmed it all. And that’s an evidence that destiny worked well with his parents. At mula noon hanggang ngayon, alam niyang sobra-sobra ang pagmamahal ng mga ito sa isa’t isa. Living evidence ng love na iyon ang dalawang kapatid na sumunod sa kanya. His father was also his talent manager. Ito rin ang talent manager ng Karisma Band. Matagal na itong talent manager ng mga sikat na artista at performers. He was already a major stockholder of Pontez Media now but that didn’t stop him from handling talents like he used to. Mula pagkabata ni Hamiel ay nasaksihan niya ang pagsisikap nito. Ngayon ay nagmamay-ari na ang pamilya nila ng iba’t ibang negosyo, chains of fast food restaurants, investment consultancy firm, and even hotels. And despite of being a disciplinary father, Haime never failed to be their loving father as well. Hinila siya ni Amhiela sa may kusina at masayang pinanood niya ang mga magulang. Nagtatawanan ang mga ito habang nagre-reminisce ng past. “Sus, patay na patay ka nga sa akin noon eh. Ini-stalk mo pa ako,” hirit ng tatay nila. Tumawa ang mama nila. “Wag mo na ngang ipaalala iyang kalokahan ko noong college, Haime. Ang guwapo mo kasi eh, kaso ang yabang mo. Ang sama ng ugali mo. Ano nga iyong sabi mo sa akin no’n?” Huminto sandali si Mama Mhiel na parang nag-iisip. “I don’t date wowan with less than seventy million worth. Yabang!” Napakamot sa ulo ang kanilang ama. “Oh, kung hindi ko sinabi iyon, eh, ’di hindi ka naging seventy six million worth after five years.” “And that gave me the license to slap your face!” “And gave me the chance to fall in love with you again.” Makahulugang tiningnan ni Daddy Haime si Mama Mhiel. “We had a great love story right? Sana iyong mga anak natin, magkaroon din ng masayang love story.” Nakita sila ng kanilang ama. “At bakit nakikinig kayo sa usapan ng mga matatanda?” Tumawa lang silang magkapatid. Pumasok na sila sa kusina. Humalik si Hamiel sa pisngi ng kanyang ina. At yumakap sa kanyang ama. “Ang aga n’yong mag-moment. Nakakainggit na kayo.” Tumawa ang magulang niya. Naghain ng breakfast ang kanyang ina. In just few minutes, masaya nilang pinagsaluhan ang agahan. “Manligaw ka na, anak para ’di ka mainggit. Matanda ka na rin naman na,” sabi ng ama niya. “Pero ikaw Amhiela, career muna.” “Wala naman akong interes sa love, dad. Si Kuya lang ang hopeless romantic dito,” hirit ni Amhiela sabay tawa. “Si Miguel na lang, ’wag ako,” apila ni Hamiel. “Oh speaking of, dumating nga pala si Miguel kaninang madaling-araw,” sabi ng ni Mama Mhiel. “Really?” Tumayo si Amhiela. “Gigisingin ko lang siya!” Excited na tumakbo ito paakyat ng hagdan papunta sa room ni Miguel. “Ayen, katutulog lang niya. Baka may jetlag pa si Miguel!” sita niya sa kapatid pero hindi niya ito naawat. Napailing na lang sila ng magulang niya. Bihirang umuwi ng bansa si Miguel kaya ’pag umuuwi ito, tila parang sabik na sabik si Amhiela na makasama ito. “Balik tayo sa usapan. May nililigawan ka na, anak?” tanong ni Daddy Haime. “I’m kinda in the middle of taken and heartbroken. I don’t wanna talk about it,” pahayag niya. Pumasok sa kusina si Miguel na pupungas-pungas pa at hila-hila ni Amhiela. “Ayen, inaantok pa ako,” reklamo ni Miguel. “Minsan lang tayo makumpleto, Kuya Miguel. Pagbigyan mo na ako,” ungot ni Amhiela. “Kailan ba kita tinanggihan?” Naghikab pa ito at umupo sa tabi niya. “Hi, kuya. Kumusta kayo ni Limien?” “Walang kami ni Limien.” “Wala pa rin ba? Ang hina mo naman, anak,” biro ng nanay niya. “I-offer n’yo na lahat ng babae sa akin, but take Limien away from the list. I love her more than a friend, a lover, or whatever it would mean,” nailing na sambit niya. “Mahal mo naman pala, eh ’di pakasalanan mo na,” sambit ni Miguel. “No!” Noon pa man ay palagi na lang siyang binubuyo ng mga pamilya niya na ligawan na si Limien. Tutal naman daw ay halos buong buhay na silang magkasamang dalawa. Maganda raw na foundation iyon sa pag-aasawa. Pero hindi iyon kasama sa plano niya sa buhay. Ang maisip na magiging asawa niya si Limien, natatawa na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD