Chapter 4

1341 Words
Maaga kaysa karaniwan na dumating sa school si Castle. Ngayon na kasi ang huling araw para sa challenge niya. Bukas ay evaluation na niya pero bigo pa rin siyang paibigin si Mr. President. Ilang araw na niya itong nilalapitan at pilit kinakaibigan pero sadyang wala yata talagang dating ang karisma niya sa lalaking ito. Naalala pa niya ang huli nilang encounter kahapon... "Are you a gay?" Hindi niya napigilang tanong nang dedmahin siya ni Prince pagkatapos niya itong puntahan sa opisina nito. Ang ganda-ganda niya sa suot na floral dress pero wala pa rin iyong epekto sa binata. Noon lang ito nag-angat ng ulo mula sa binabasang libro at salubong ang kilay na humarap sa kaniya. "Anong sabi mo?" "Ang sabi ko bakla ka ba?!" Pasigaw iyon kaya sigurado si Castle na narinig iyon ng mga opisyales ni Prince dahil nagtawanan ang mga ito. Pabagsak nitong binitiwan ang libro at inilapit ang mukha sa mukha niya. Napapikit ang dalaga sa pag-aakalang hahalikan siya ng binata. Pero hindi nangyari ang kaniyang inaasahan at sa halip ay pinitik nito ang kaniyang ilong. "Bakla kaagad? Hindi ba puwedeng hindi lang kita gusto?"Pang-iinsulto ni Prince. Namula si Castle. Kumukota na ang lalaking ito sa panglalait sa kaniya. Namimihasa porke't pinagtitiyagaan niya. Kung hindi lang talaga siya natatakot mawalan ng mgakaibigan ay baka matagal na niyang isinigaw sa lalaking ito na ang kapal ng mukha niya para dedmahin ang isang Castle de Ayala. If she only had choice...she will never waste her charm to this arrogant man. Lalong uminit ang mga pisngi ni Castle nang pagtawanan siya ng mga kasamahan ni Prince dahil sa narinig. Naiinis niyang tinapunan ng masamang tingin ang mga ito; na kaagad din namang tumigil nang makita ang galit sa kaniyang mukha. "Ngayon kung okey lang sa'yo, mahal na prinsesa, lumabas ka na sa opisina ko dahil marami pa akong gagawin at nakakaistorbo ka na." Walang prenong pagtataboy sa kaniya ni Prince. Ngunit nakipagmatigasan ang dalaga. She only have two daysleft to accomplish her test. Hinding-hindi siya papayag na ang isang tulad lang ng lalaking ito ang sisira sa reputasyon niya at ang magiging dahilan para mawalan siya ng mga kaibigan. Sa halip na umalis ay sumandal pa si Castle sa backrest ng upuan. "No! I'm not leaving...unless, makikipagkaibigan ka sa'kin." Determinado niyang sagot. Marahan itong tumawa. "Ikaw ang bahala, mahal na prinsesa. Pero sinisiguro kong mapapanisan ka lang diyan ng laway." Lihim siyang napangiti. Hindi niya maintindihan ang kiliting dulot ng madalas na pagtawag nito sa kaniya ng 'mahal na prinsesa'. Ayaw niyang aminin pero kinikilig siya don kahit alam niyang ginagamit lamang iyon ng binata para insultuhin siya. Maya-maya'y kinuha ng binata ang mga libro at pinagpapatong sa ibabaw ng lamesa paharap sa kaniya upang sadyaing harangan siya. Pero hindi iyon umepekto kay Castle. Maghihintay siya hanggang sa makulitan ito sa kaniya. "Is that what you can do to avoid me, Mister?" Natatawa niyang tanong habang tumitingin-tingin sa paligid at naghahanap ng bagay na puwede niyang gamiting pang-asar dito. Hanggang sa mahagip ng kaniyang mga mata ang mga pangalang nakasabit sa dingding. Listahan iyon ng lahat ng Student Councilofficers; mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa. Napangiti si Castle sa pinaka-unang pangalang nakasulat. "Wow! So you're Prince Dimaano?" Wala siyang nakuhang sagot mula sa binata pero nagpatuloy pa rin siya. "Bagay pala tayo...prinsesa ako at prinsipe ka naman." Walang bahid ng pang-iinsulto ang kaniyang tinig kaya nagtataka si Castle kung paano iyon lumabas sa kaniyang bibig. Dedma siya ulit ngunit hindi pa rin sumuko ang dalaga. Pero siguradong mabibigo na itong dedmahin siya sa susunod niyang gagawin. "Cause the players gonna play, play, play, play, play..."pagkanta ni Castle sa Shake It Off ni Taylor Swift. Alam niyang marami ang nai-eskandalo kapag kumakanta siya dahil sa sintonado niyang boses. Tuloy-tuloy lang ang pagkanta ng dalaga. "And the hater's gonna hate, hate, hate, hate, hate....Baby,I'm just gonna shake, shake, shake, shake shake. I shake it off, I shake it-" biglang naputol ang kaniyang pagkanta nang biglang hampasin ni Prince ng libro ang lamesa. Pero imbes na matakot ay natuwa pa si Castle. Dahil nagtagumpay siyang kuhanin ang atensiyon nito. "May balak ka bang sirain ang nga ear drums namin dito?"Tumayo ito at nakahalukipkip na hinarap siya. Gumana ang kapilyahan ni Castle. Tumayo din siya at ginaya ang bawat galaw ng binata. Namumula na ang tenga nito kaya sigurado siyang napipikon na ito sa kaniya. "Ano ba talaga ang gusto mong patunayan? Na porke't sikat ka at mayaman at itinuturing na prinsesa ng buong campus ay makukuha mo na lahat ng gusto mo?"Hindi maitago ang sobrang panggigigil sa boses ni Prince. "Oopps...it seems like you forgot something." She sexily flipped her hair. "At maganda ako.." "Okay! Maganda na kung maganda!"Itinaas nito ang dalawang kamay na tila ba sumusuko na sa kakulitan niya. "O, eh, ano naman ngayon?" "And that is enough reason for you to consider me as your new friend...just a new friend, Mister president." Naglalakad-lakad siya sa harap nito na kunwari ay may naiisip. "Okay, I know. Babaguhin ko na ang endearment ko sa'yo. From now on, I'll be call you my prince...since you're calling me as your princess." She twinkled her eyes without realizing that she became more attractive with that. Dahilan para hindi kaagad makapagsalita si Prince at nakatitig lang sa kaniya. Saka lang umangat ang mga labi nito nang marahil ay makabawi. "Kinukulit mo ako araw-araw para makipagkaibigan lang?"Mukhang hindi ito kumbinsido sa paliwanag niya. "Masiyado ka na yatang maraming kaibigan, mahal na prinsesa, para idagdag mo pa ang isang mahirap na tulad ko. At isa pa, wala akong panahon para makipaglokohan sa'yo." "I'm definitely serious, okay? Papatunayan ko sa'yong totoong gusto kitang maging kaibigan." Umikot siya sa kabilang bahagi ng lamesa upang lapitan ito. "Let's go out for a snacks.." Nanlaki ang mga mata ng kausap. "N-niyayaya mo akong mag-date?" "Yes, you heard it, right." Saglit itong natahimik kaya ang akala niya ay napapayag na niya ito. "Wala akong oras para diyan. Marami akong ginagawa." "Eh di kahit dinner na lang...siguro naman free ka na non?" "May trabaho ako."Pakikipagmatigasan nito. Napipikon na talaga si Castle sa pakipot na lalaking ito. Biruin mo, siya na tinitingala ng lahat sa buong GWU, tinatanggihan ng isang anak-mahirap. Gosh, siguradong pagtatawanan siya ng lahat...lalo na ng mga kaibigan niya. Mabuti na lang at naglabasan na ang mga kasamahan ni Prince dahil baka kanina pa siya natunaw sa hiya. Lagot ka talaga sa'king lalaki ka kapag natapos lang ako sa'yo! Hiyaw ng kaniyang isip. "Ano? Mangungulit ka pa rin?" Tumawa ito ng pilit. Noon lang niya napansing mapuputi palaang pantay-pantay nitong mgangipin. Killer smile! Hmp, bakit padami yata ng padami ang nakikita niyang magagandang physical characteristics ng lalaking ito? Agad na sinaway ni Castle ang sarili dahil sa kung anu-anong naiisip. "Nope. I will not get tired of chasing you." Pagsisinungaling ng dalaga dahil ang totoo ay gustong-gusto na niyang sabihin dito na, "Huwag ka ng pakipot, please. I'm running out of time." "Eh di maghabol ka hangga't gusto mo " pagkasabi ay mabilis nitong dinampot ang back pack at dali-daling lumabas ng opisina. Sinundan ito ni Castle pero dahil mataas ang takong ng sapatos niyakaya hindi niya ito nahabol. "I hate him! I hate him!" Pagtitili ng dalaga nang tuluyang mawala sa paningin ang binata. Paano na siya ngayon? Parang naaamoy na niya ang 'loneliness' kapag sinibak na siya ni Annaliese sa grupo. "No, it will never be happen!" Puno ng determinasyong bulalas ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD