Chapter 2

1194 Words
"Hi." She said sweetly. Sinadya talaga ni Castle na lambingan ang tono para agawin ang atensiyon ni Mr. President. Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib habang hinihintay itong tumingin sa kaniya. Inihanda ni Castle ang pinakamatamis na ngiti nang makitang dahan-dahan itong nag-angat ng ulo. Nang sa wakas magtama ang kanilang mga mata ay napansin niyang kumurap ito ng dalawang beses na tila ba hindi makapaniwala sa nakita. Medyo kinabahan ang dalaga habang patagal ng patagal ang titigan nilang dalawa. Mas malapit kaysa kanina ang mga mukha nila sa isa't-isa. Kaya noon lang niya napansing hindi lang pala ito basta guwapo. This guy is super handsome; from his semi-bald hair, bound to his dark eyebrows...to his pointy nose. It's almost perfect! Awtomatikong tumigil ang kaniyang mga mata sa mapupula at maninipis nitong mga labi na para bang pag-aari ng isang babae. Napalunok si Castle saka umiwas ng tingin nang makaramdam ng hiya sa sarili. Pero bago pa man niya namalayan ay nakatayo na pala sa harap niya ang binata. He was so tall. Lalo tuloy itong gumwapo sa paningin niya. He was exactly like those princes as described in fairy-tale books, na nababasa niya noong bata pa siya. "May kailangan ka ba, mahal na prinsesa?"Madiin ang pagkakasabi nito sa huling tatlong salita na para bang iniinsulto siya. Kaya nanumbalik tuloy ang pagkainis ni Castle dito kanina at nanaig ang pagiging brat niya. Panadalian niyang nakalimutan ang totoong pakay. Tinaasan ito ni Castle ng kilay. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na ang pangit ng uniform mo. Mukhang mumurahin at pinaglumaan ng kung sinong kutong-lupa." Lihim siyang nagdiwang nang makitang namula ang magkabila nitong pisngi na halatang napikon.At kung nakakamatay lang ang mga tingin ay baka tumumba na siya. "Baka nakakalimutan mong ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagmukhang suman ngayon, mahal na prinsesa?" Lakas-loob niyang sinalubong ang matatalim nitong mga mata at nameywang."Talaga bang ugali mong manisi ng ibang tao sa bawat kapalpakang nagagawa mo, ha?"Tinapatan niya ang kasungitan nito. "Kasalanan ko ba kung wala kang pambili ng uniform mo? O, kung sadyang baduy ka lang talaga pagdating sa fashion." "Talagang kasalanan mo. Dahil hindi ako babalik ng boarding house para maligo at manghiram ng uniporme kung hindi ka mayabang magpatakbo ng sasakyan." Nagpanting ang tainga ni Castle."So, this is all about sa bintang mo kanina?" Muling umangat ang mga labi ng binata. "May iba pa ba?" "Well..."tinaasan niya ito ng kilay. "Pasalamat ka na lang at hindi ko sinagasaan ang pangit mong bicycle." Napansin ni Castle ang pagkuyom ng mga kamay ng binata. Aktong papatulan siya pero pinili na lang nitong bulungan ang katabi. Napangiwi si Castle habang pinagmamasdan ang lalaki na nakasuot ng geeky eyeglasses. Mas disaster pala kung ito ang pinili niyang maging 'test'. Test? Biglang kumislap sa isip ni Castle ang tunay niyang plano sa paglapit niyang ito kay Mr. President. Gosh, what am I doing? Lalo ko lang binigyan ang lalaking ito ng dahilan para pahirapan ako sa plano ko. Nababahalang saad ng kaniyang isip. Wala siyang pagdududa sa kakayahan niyang magpaibig ng isang lalaki dahil sa taglay niyang mga nakakaakit na katangian.Pero sa nakikita ni Castle na kasungitan ng lalaki at sa paraan ng pagtrato niya dito,mukhang magkaka-problema siya. Napatingin siya sa direksiyon nina Annaliese. Lalo siyang nainis nang makitang tinatawanan siya ng mga kaibigan. Kailangan na talaga niyang gumawa ng paraan para maakit ang masungit na lalaking ito. Kaso magsasalita pa lang si Castle nang magpasaring ang lalaki. "Pigilan mo nga ako, Rex." Kunwari'y bulong nito sa katabi. "Baka hindi ako makapagtimpi at mapatulan ko 'tong mestisang hilaw na 'to." Namilog ang mga mata ng dalaga. Ano daw? Hindi siya makapaniwalang nakarinig siya ng panlalait sa unang pagkakataon. At galing pa man din mismo sa isang lalaking magiging "prince-to-be" niya. Pero bago pa man siya sumabog ay matinding pagtitimpi na ang ginawa ni Castle. Mariin siyang napapikit bago bumuntong-hininga. Be patience, Castle. Be patience. Bumawi ka na lang after one week. Pampakalma niya sa sarili. Pagkatapos ay saka siya umarteng pinupulikat. "Ouch! Ahh! Gosh, my legs...it's cramping." Umupo siya at nagpanggap na hindi maigalaw ang paa. Nakaramdam siya ng panalo nang lumuhod sa harapan niya ang binata at walang paalam na hinawakan ang kaniyang mga hita. Iyo ang unang beses na may iba,at lalaki pa, na humawak sa legs niya. At hindi niya nagustuhan ang dulot non dahil para siyang napapaso. It slowly burning down her system. Dahil sa naramdaman ni Castle na iyon kaya nakalimutan niyang nagpapanggap nga pala siya. Malakas na itinulak ni Castle ang binata at tumayo saka lumayo dito. Lalo tuloy itong nagalit sa kaniya nang ma-out-of-balance at napaupo sa semento. "Umaarte ka lang?" Hindi makapaniwala nitong tanong."s**t. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon?"Binalingan nito ang kaibigan. "Tara na, Rex. Bago pa man ako mapuno dito." She was panic. Hindi puwedeng lumagpas ang paglakataong ito. Nandito na siya, eh. "Wait." Nagulat ito nang hawakan niya sa braso at gan',on din siya kaya mabilis siyang bumitaw."H-hindi ba talaga tayo puwedeng maging...friends?" Sandaling hindi nakaimik ang presidente habang matiim siyang tinititigan na ikinailang ni Castle. Ito ang pinakaunang beses na na-conscious siya sa harap ng isang lalaki. Where did her highest level of self-confidence goes? Mapakla itong tumawa. "Tama ba ang narinig ko? Nakikipagkaibigan ang prinsesa sa isang mukhang houseboy? Sa isang "low profile"" "Look." Ikinumpas ni Castle ang mga kamay upang kunwa'y tanda ng pagsuko. Kahit ang totoo ay gustong-gusto na niya itong barahin. "Im sorry sa mga nasabi ko sa'yo kanina. Believe me, I didn't mean it. It's just...ahm, nainsulto lang ako sa mga sinabi mo kaya gan'on."Pilit niyang nilangkapan ng lambing ang kaniyang boses. "Magugunaw na ba ang mundo, Rex?" Puno ng sarkasmo nitong sagot. "Kahit minsan ay hindi ko natandaang bumaba ang langit sa 'tulad nating mga lupa." Lihim na napikon si Castle sa kaartehan ng lalaki. Kulang na lang ay batukan na niya ito. "P-promise, I want to be your frie-" "Pasensiya ka na, mahal na prinsesa. Pero hindi kami-lalo na ako-nakikipagkaibigan sa mga hindi namin kauri."Puno ng paninindigan nitong sabi bago siya tinalikuran. Naramdaman niya ang pag-init ng kaniyang mga pisngi. Lalo na nang tawanan siya ng kaibigan nitong nerdy. "Tse! Get out of my sight, ugly nerd!" Bulyaw rito ni Castle para pagtakpan ang pagkapahiya. Hindi niya akalaing iisnabin siya ng isang lalaki. At ang hindi niya halos mapaniwalaan ay ang mabigo siya sa pinakauna niyang experience sa pagsi-seduce ng isang lalaki. Hinding-hindi niya iyon matatanggap. Siguradong may itinatago lang ang mayabang na lalaking iyon. Maybe he is just trying to resist her charm. Hindi ito mag-aalala sa kaniya nang umarte siyang pinupulikat kung wala itong paghanga sa kaniya. At iyon ang tutuklasin at gagamitin ni Castle para paibigin ito. Iyon ang kasalukuyang iniisip ng dalaga nang namalayan niyang nakatayo na pala siya sa harap ng barkada. Nagtatawanan ang mga ito at alam niyang dahil iyon sa palpak niyang plano. "What happened to your goddess beauty, Castle?" Puno ng pang-uuyam na tinig ni Annaliese. "It seemed like 'lumalaos' ka na." "Huwag kang mag-alala, sweetie. Dahil kahit kailan ay hindi ka malalaos sa'kin."Tukso ni Dashiell bago siya inakbayan. Nanggigil niya itong hinampas ng bag. "Tse! Shut up!" Humalukipkip si Castle. "I still have six days kung mabibigo man ako today. But I assure you guys, six days are too long to make him mine." Puno ng kasiguruhang deklara ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD