FREEN "Babe, okay ka lang?" tanong ko sa aking asawa ng makita kong tila malungkot ito at ang lalim ng iniisip. Lumingon siya sa akin at matipid na ngumiti. "Yeah," tumango lang nito. Naupo ako sa tabi niya at kinabig ito pasandal sa aking dibdib. "Anong problema ng mahal kong asawa, hmm?" malambing kong saad sabay halik sa noo nito. Napabuntong-hininga ito at hinawakan ang kamay ko na nakapulupot sa kanyang baywang. "Namimiss ko si Emily," malungkot ang boses nitong saad. "Huwag ka ng malungkot, sa Sabado bibisita ulit tayo doon, sasabihan ko si Olivia para hindi na niya ipapasama sa Mama niya," saad ko habang hinahaplos ang buhok nito. "Bakit lagi niyang sinasabi na kasama ng Mama niya, diba nasa ibang bansa ang Mama ni Olivia?" tila may pagdududang tanong nito. Napaisip din ak

