FREEN "Nagising ako sa isang kwartong puno ng mga aparato, may nakakabit sa aking katawan, may oxygen at ilang mga aparato. "Anong nangyari sa akin, nasaan ako?" Isang babae ang nakayuko sa aking gilid at hawak ang aking kamay. Bahagyang nakaharap ito sa akin. Matangos ang ilong at may manipis na labi, maamo ang mukha. Napakunot ako ng mukha dahil hindi ko siya kilala. "Sino siya at bakit ako narito?" Nagulat ako ng bigla itong gumalaw at tumingin sa akin. Napalunok ako ng tuluyan ng bumukas ang mata niya at tumitig. Bakit ang bilis ng pintig ng puso ko? Biglang humuni ang aparatong nakalagay sa aking katawan, dahilan para maalarma ang babae. May pinindot itong buzzer at ilang minuto pa ay nagsidatingan ang mga doktor at nars. "Freen, andito lang ako, be okay ha," wika ng babae. Fre

