REBECCA
Nagising ako na masakit ang aking ulo, napasapo ako at kinusot-kusot ang aking mata. Napayakap ako sa kumot na nakatabing sa aking katawan dahil sa pamilyar na amoy, ang amoy na ilang buwan kong ding nalalanghap gabi-gabi tuwing matutulog.
"I miss you, Freen," bulong ko.
Kinapa ko ang side table ko para sana kunin ang cellphone ko, pero wala akong makapang mesa. Unti-unti kong idinilat ang aking mata.
Napabalikwas ako ng makita kong hindi ko ito kwarto.
"Geezz, nasaan ko?" palinga-linga ako sa buong paligid.
"Nasaan condo ako?" kunot noo kong tanong sa sarili.
"Nasaan si Kuya at Irin? Hindi ko maalala ang nangyari kagabi. Ang alam ko lang, sumakay ako sa kotse. Oo, sumakay ako sa kotse at... at... arrgghh!" sinabunutan ko ang aking ulo dahil wala na akong maalala.
Nakatulog na ako sa loob ng kotse, at hindi ko alam paano ako nakarating sa kwarto na ito.
"Nasa condo ako ni Freen? Paano nangyari... sh*t!" bulalas ko ng makita ko ang painting ni Freen na nakasabit sa wall malapit sa pintuan.
Napabalikwas ako at mabilis kong tinungo ang pintuan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, akmang lalabas na sana ako, ng makarinig ako ng boses ng dalawang babae.
Mula dito sa taas, kita ko si Freen at Olivia, busy sa harap ng laptop, masaya silang dalawang may itinuturo roon.
"Eto mas bagay sayo kung ganitong wedding gown," dinig kong saad ni Olivia.
"Gusto kong mag-tuxedo na lang," habang nakatuon padin ang mata sa laptop.
Biglang sumikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan sila. Inaayos na pala nila ang kasal nila.
Napangiti ako ng mapait. Bumalik ako sa loob ng kwarto at dahan-dahan kong muling isinara.
Pabagsak kong hiniga muli ang aking katawan sa malambot na kama.
"Akala ko tanggap ko na, masakit pa din pala. Akala ko hahayaan ko na, pero unti-unti akong nadudurog sa tuwing nakikita ko sila."
Inayos ko ang sarili ko at dumaan ako sa fire exit na narito sa room niya; alam ko ang pasikot-sikot dito dahil minsan na niya akong dinala dito.
Nakalabas ako ng hindi niya namamalayan, agad kong tinungo ng elevator at mabilis na umalis.
Wala akong dalang pera, magbabayad na lang ako pagdating namin sa bahay.
Napatingin ako sa bintana ng taxi dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan; nakikisimpatya ba ang panahon sa pagdadalamhati ng aking puso?
"Bakit hindi mo ako hinintay, Freen? Bakit!!" sigaw ko, dahilan para mapapreno ang driver dahil sa gulat.
Maging ako ay nagulat sa ginawa ko, nakalimutan kong wala pala ako sa loob ng aking kotse.
"Ma'am, okay ka lang?" Halata sa gulat ang mukha ng matandang driver.
"Opo, Manong, sige lang po, ituloy mo lang mag-drive, nag-papraktis lang ako para sa audition ko," lintiya ko.
Ng makarating kami, pinag-antay ko ang driver; si Yaya na ang lumabas para bayaran ang aking pamasahe.
"Becca, andito ka na pala, so ano, kumusta kayo ni Freen?" tanong ni Kuya, sinamaan ko ito ng tingin.
"What do you mean?" Kunot noo kong tanong.
"She said aayusin niya ang lahat," nakangising tugon nito.
Hinablot ko ang throw pillow nakalapag sa sofa at saka ko pinaghahampas kay Kuya.
"Ikaw pala ang may pakana ng lahat!"
"Ouch, ano ba, bunso? Tama na! Aray!! Araay!!" Gigil na gigil ako sa kanya.
Pero tawa pa din ito ng tawa, kahit galit na ako sa lagay na 'to.
Mabilis siyang tumakbo at nilock ang pinto ng kusina.
"Richie, open the door! Hindi pa tayo tapos!!" Nang gigil kong sigaw.
"Sabi kasi niya, may sasabihin siya sayo, kaya pumayag ako," sigaw nito pabalik.
"Buksan mo 'to... kakalbuhin talaga kita!" Inis kong saad.
"Eh, ano ngayon, iha? Diba girlfriend mo naman si Ms. Sarocha, ayos lang 'yon, kesa naman ibang tao ka nagising," kumunot ang noo ko sa tinuran ni Mommy.
Narito ang iyong sinabi na mayroong tamang punctuation at pagkakaayos:
"What? Mom!! Paano nyo nalaman na naging kami?" Kunot noo akong tumingin sa kanya.
"Sabi ni Richie," kibit-balikat na sagot ni Mommy.
Kaya lumapit ako sa pintuan ng kitchen at malakas ko iyong kinatok.
"Buksan mo 'to, Richie! Pasasabugin ko atay mo kung di mo ito binuksan!" Gigil at inis ang nararamdaman ko sa aking kapatid.
"Ayaw ko nga, maligo ka na doon, ang baho mo na, haha!" Mapang-asar niyang sigaw.
"Calm down, iha, magbihis ka na muna, tignan mo yang paa mo, ang dumi; bakit wala kang tsinelas?" Titig na titig si Mommy sa aking paa.
Oo nga, hindi na pala ako nakapagtsinelas kanina dahil sa kagustuhan kong makaalis sa bahay ng kumag na 'yon.
"Bakit ba walang nakakaintindi sa akin sa bahay na 'to?" Saad ko sa sarili habang pinupunasan ang aking luhang ayaw matigil sa pagbuhos.
Halos inabot ako ng isang oras sa pagbabad ng katawan sa bathtub. Medyo gumaan ang aking pakiramdam, pero heto nanaman, at nagbabadya nanamang bumuhos ang aking luha.
"Anak, pwede ba tayong mag-usap?" Mahinahong wika ni Mommy, naghihintay na pala ito at nakaupo sa gilid ng aking kama.
Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang aking mata. Naupo ako at kinuha ang blower, atsaka ko sinimulang patuyuin ang aking buhok.
Tumayo naman si Mommy at kinuha nito ang blower; nagpaubaya akong siyang ang magpatuyo ng aking buhok.
Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin na nasa harap namin; mugto na ang aking mata kaiiyak sa hindi ko malamang dahilan. Wala naman akong karapatang masaktan sa mga nangyayari sa paligid eh.
"Mom, why it hurts?" at muli nanamang tumulo ang aking luha.
Pinatay nito ang blower at sinuklay ang aking buhok. "Sweetie, I know. It hurts when you know you love each other, but one has to leave and one must be left behind. Alam mo kung saan ka sa dalawa."
Napaisip ako. "I am the one who leaves, and I left Freen." Bigla akong nakaramdam ng pagkaguilty. Ano kaya ang nangyari sa kanya noong time na iniwan ko siya?
"Mom, nasasaktan ako sa nangyayari," niyakap na ako ni Mommy dahil sa sobra na ang pagbuhos ng aking luha.
"Sshh, you know, sweetie, your heart doesn't hurt, it's your brain that does. Give her time to explain everything. You're an overthinker, anak. You overanalyze her; why don't you give her a chance?" Pag-alo ni Mommy.
"Mommy, kailangan pa ba 'yon, kung kailan ikakasal na siya? Kung kailan may pinili na siya?" Yakap-yakap padin ako sa bewang ni Mommy, na nakatayo habang hinahaplos ang aking buhok.
"Bigyan mo ng closure ang nararamdaman mo; mahirap mag-move on kung maraming hindi nasasagot na katanungan sa isipan."
"Tahan na, anak. Ayusin mo na ang sarili mo; nasa baba siya, she's waiting for you, or I'll let her in here." Hindi ko na naintindihan ang sinabi ni Mommy dahil humagulgol na ako ng iyak.
"Mommy," muli nanamang naglandas ang luha sa aking mata.
"Ang daming sakrispisyo ni Freen para makuha lamang ang tiwala namin sa kanya; everything... ginawa niya lahat, mula sa pag-ahon niya sa kumpanya ng Dad mo. Noong una, ayaw namin sa kanya dahil pareho kayong babae, pero nakita ko ang determination niya para lang makapasok sa ating pamilya."
Tinapik nito ang aking balikat bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Wala akong planong bumaba para harapin siya; ang alam ko, nasasaktan ako, at hindi ko pa siya kayang harapin ngayon. Wala akong lakas ng loob para marinig ang mga sasabihin niya. Iniisip ko palang na nagbibigay siya ng invitation sa kasal nila, nadudurog na ang aking puso.
Sana mahanap ko ang sarili kong mapatawad sa nagawa kong pag-iwan sa kanya para magkaroon na din ako ng lakas para harapin siya.