REBECCA "Babe! Ano ba yang niluluto mo? Ang baho!" reklamo ko, takip ilong. "Huh? Babe, sinangag lang ito, yung paborito mo, nilagyan ko ng gulay," wika nito. Pero lalo akong nahalukay ang aking sikmura ng makalapit ako at maamoy iyon. Tumakbo ako sa banyo at doon sumuka ng sumuka. Halos wala ng lumabas, ngunit nasusuka pa rin ako. Gusto ko ng umiyak dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman. "Babe, okay ka lang?" bakas sa boses ni Freen ang labis na pag-aalala. Hindi ako sumagot dahil kasalukuyan pa rin akong sumusuka. Napwersahan niyang buksan ang pintuan ng banyo. Agad siyang dumulog kinalalagyan ko at inalalayan ako. "I feel weak, parang nahigop ng inidoro ang buong lakas ko," sabi ko. "Dadalhin kita sa hospital," labis na pag-aalala saad ni Freen. "No, i just want to rest

