Consequence

1065 Words
Hindi ko na halos marinig ang palatok ng takong ng kasama ko dahil sa bilis ng t***k ng puso ko habang naglalakad kami paounta sa dean’s office. Hanggang ngayon kasi hind pa nag si sink in sakin na nandito iyong Prince Lander na ‘yon at talagang nahanap niya ako. Pero, paano niya ako nahanap? paano niya nalaman ang school na pinapasukan ko? paano niya nalaman ang pangalan ko? and i’m sure madilim nung gabing hinalikan ko siya… so paano niya nalaman na ako iyong nanghalik sakaniya?! Nang marating namin ang dean’s office ay huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto at ng napagpasyahan ko na itong buksan ay halos manlambot ang tuhod ko ng makita ang lalaking nakaupo sa nagsisilbing upuan for VIPs, naka white polo, black slack, a pair of luxury shoes, a roles and damn! his look. Tangina ang guwapo nga naman talaga niya in person! kaya pala medyo pamilyar yung guwapo niya nung gabing hinalikan ko siya no’n sa beach. “G-goodmorning po.” lunok laway kong bati sa school director at kay Prince Lander. Bahagyang tumikhim ang school director na para bang binibigyan niya ng sensyales si Prince Lander na pwede na siyang magsalita. “So… need pala talaga na ipahanap kita, kasi hindi ka naman pala talaga magpapakita.” nakangising saad ni Prince Lander at naglakad palapit sakin. “Leave us.” bigla nitong sabi at halos mapakapit ako sa laylayan ng skirt ko ng makitang magsilabasan ang lahat. “A-anong gagawin mo sakin?” takot na takot kong tanong, hindi naman siguro niya ako igegrape dito no? ay ang kapal hahaha. “I thought after the circulated photos of us online also in national tv, magpapakita ka and you will take and grab the spot light, but you remain silent and keep hiding. So, how can we fix this mess?” saad nito at halos kaunting inches na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa. Di ako nainform na may paparating na bisita, nag full make up sana ako at nag gown. Charing! “Nakakahiya naman kasing i-claim ko na ako yung nasa picture tapos after, idedeny mo, nyo… i mean, you can have a decent woman with career na pwedeng magpretend that she's your fiancé, it’s too easy right?” suwesyon ko. “Pero nung bigla bigla ka nalang manghahalik, hindi ka nahiya no?” nakangisi nitong sabi dahilan para mapatahimik ako. “So, how do we explain to people about the photo?” salubong ang kilay niyang tumingin sakin habang ko naman ay hindi alam ang isasagot lalo na’t nakakatakot ang tingin niya. “Pwede bang… pwede bang labas na lang ako sa issue, gawin mo na lang yung sinabi ko… siguro naman may mga kilala kayong mas swak sa standard nyo, like artista? Or model? Pwede ring anak ng contracto—” “No!” malakas niyang pagtutol sakin kaya napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napapikit. “Labas sa issue? Ikaw? Ikaw naman ang may kasalanan nito diba? So bakit ako lang ang dapat mamroblema?” inis niyang sabi kaya naman hindi na ako nakapagsalita pa. “You are excuse to your class today, kailangan kong makausap ang parents mo to have their permissio—” “Wala na akong magulang.” putol ko sakaniya at tinignan siya, kita ko kung paano magkuyom ang kamay niya at biglang umayos ng upo, kung kanina ay nakadekwatro ngayon ay formal ang naging ipo niya. “Sorry about that, i forgot. So, mas madali nalang pala dahil wala na akong need hingian ng permission na dalhin ka sa Royal Palace.” saad niya na ikinatayo ng balahibo ko sa batok. Hindi ako agad nakasagot, para bang sinasabi niya na wala na akong karapatang tumanggi at mukhang alam naman pala niya na wala na akong magulang. “Sakin? Hindi ka ba hihingi ng permiso? I mean, hindi naman pwedeng basta basta mo na lang ako dalhin sa kung saan ng hindi ako pumapayag?” saad ko pa. “So mas gusto mong mahirapan instead na sumama sakin? Hindi ka ba nagsasawa sa araw araw na pag aaral at trabaho? Kapag sumama ka sakin makakapag aral ka ng hindi mo na kailangang magtrabaho pa.” litanya niya, tama naman siya… for sure naman talaga na hindi niya pababayaan ang pag aaral ko pero sure rin ako na hindi na ako dito sa university mag aaral. “Kahit pa… natiis ko nga ng ilang taon e, ngayon pa ba ako susuko na malapit na ako makapagtapos?” tugon ko na ikinangisi niya. “Totoo nga ang sinabi nila, matigas ang ulo mo. You only listen to your self.” nakangisi nitong sabi na ikinalunok ko. “Because… because i know , no one wants to listen to me. Kahit pa makiusap ako, magmakaawa… walang kahit na sinong gustong makinig sakin. Kaya bakit ako makikinig sa iba? Kung ako mismo ayaw akong pakinggan?” napakuyom ako sa mga binitiwan kong salita at pinigilan ang hikbi, naalala ko nanaman ang nangyaring pag iwan sakin ni papa at mama. “Hindi ko alam kung anong pinanghuhugutan mo, but you need to face the consequences of what you’ve done.” may diin na sabi nito at tumayo mula sa pagkakaupo tsaka lumapit sakin. “Pero…” “No more buts. Kailangan mong sumama sakin ngayon” maotoridad niyang sabi at akma na sana siyang maglalakad para lampasan ako pero agad kong hinigit ang kamay niya at lumuhod sa harapan niya. “Please… please, nakikiusap ako! Pagkatapos lang ng taon na ito… pagkatapos ng graduation ko… please kahit saan nyo ako dalhin, gawing servant okay lang.. Pakiusap!” mangiyak ngiyak kong pakiusap sa prinsipe, naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko kaya nag angat ako ng tingin sakaniya. “Please?” pakiusap ko pa. “F-fine! Just, just stand baka may makakita satin at baka ano pang isipin!” inis na sabi nito kaya agad akong tumayo “T-talaga?” tanong ko pa at pinunasan ang luha sa mata ko gamit ang sleeve ng uniform ko. “Pero kailangan mo pa rin sumama ngayon, sinabi ko sa parents ko na girlfriend kita and they want to see you.” tugon nya at inalis ang pagkakahawak ko sakaniya at tumakilod na tska naglakad palabas habang ako naman ay naiwan lang na tulala. Seryoso ba siyang sinabi niya yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD