NAPABUNTONGHININGA si Tallulah nang hindi pa rin bumukas ang condo unit ni Kendric kahit nakailang doorbell na siya roon. Nalaman niya mula kay Brielle na nandoon ang binata kaya agad niya itong pinuntahan. Hindi pwedeng hindi niya ito makausap, kailangan nilang ayusin ang gusot sa pagitan nila. Ayaw niyang masaktan si Kendric. Muli niyang pinindot ang doorbell at nang akmang uulitin niya iyon nang bigla iyong bumukas at niluwa si Kendric na gulo-gulo ang buhok at halatang kagigising lang. "Kendric," aniya at ngumiti. Sinuri niya ang nobyo mula ulo hanggang paa at napakunot ang noo. "A-ano'ng nangyari sa iyo, bakit ganiyan ang hitsura mo?" Walang emosyong bumakas sa gwapo nitong mukha kahit hindi maayos ang hitsura nito. Umiwas ito sa kaniya ng tingin. "Ano'ng ginagawa mo rito?" malami

