┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Amore, kakain na! Ano ba kasi ang ginagawa mo diyan, ha?" Malakas na sabi ni Mary ng pinuntahan niya sa sapa ang kanyang kaibigan. Ilang araw na sila sa probinsya at nag-eenjoy silang dalawa sa magandang tanawin at sariwang simoy ng hangin. "Gusto ko sanang maligo, kaya lang baka biglang may dumating na kung sino at makita nila ako dito. Buti sana kung private place ito, kaso hindi naman." Sagot nito kaya tawa ng tawa si Mary. "Kapag marami na akong pera, bibilhin ko ang buong lupain na ito, tapos magpapalagay ako ng bakod para makaligo ka dito. Ang arte mo, kailangan private pa para lang makaligo ka? May poso duon sa amin, halika at ipagbobomba kita ng tubig." Sabi ni Mary kaya inis na sulyap ang iginawad sa kanya ni Amore. "Ano ba 'yang hawak mo?" Tanong pa ni Mary

