◄Trenz's POV► "Nakausap mo na ba si Heidy?" Napatingin ako agad nang marinig ko ang boses ni Cairo. Hindi ko inaasahan na darating siya ngayon dito sa mansyon ko. Hindi siya ang hinihintay ko... ang kapatid ko na si Celestina ang inaasahan kong darating ngayon. Kaya nang makita ko siyang nakatayo sa gitna ng sala, napakunot ang noo ko. Ano ang ginagawa niya dito, samantalang kahapon lang kami magkasama/ At sinabi ko sa kanya na huwag akong istorbohin ngayong araw dahil gusto kong magpahinga. Kung tutuusin ay kababalik lang namin ng Pilipinas nuong isang araw from England. Pagod, at drained ako kaya ang nais ko ngayon ay magpahinga. Wala akong balak puntahan si Heidy sa bahay na binili ko para sa anak ko. Ilang tawag na ang ginawa niya today, pero ni isa sa tawag niya ay hindi ko sinago

