┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nagtataka si Trenz kung bakit tanghali na ay hindi pa rin niya nakikita si Cairo. Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng mansyon, paulit-ulit na sumisilip sa orasang pambisig niya, at umaasang bigla na lang lalabas ang kaibigan niya sa kung saan mang sulok ng bahay niya, pero mukhang umuwi ito ng sariling condo kaya pupuntahan na lamang niya ito. Ilang beses na niya itong tinawagan, pero mula pa kagabi, hindi naman ito sumasagot. Naghahanda na siya para sa pagbalik nila ng Pilipinas upang asikasuhin ang ilang negosyo duon na may kaunting problema. Mga problemang hindi pwedeng ipagpaliban, at lalong hindi pwedeng balewalain. Pero, bago ang problema ng negosyo... kailangan na niyang bumalik ng Pilipinas dahil susugurin na nila ang kuta ng mga sindikatong tumutulong sa Silent H

