┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ -Continuation... "Ace?" Tanong ni Trenz, bahagyang nakakunot ang noo habang sinisikap alalahanin kung saan nga ba niya narinig ang pangalang ‘yon. Narinig na niya ang pangalang 'yon, pero hindi niya maalala kung saan at kailan. "Yes, kuya, si Ace na gwapo, matangkad, matipuno at tisoy. Si Ace." Sagot agad ni Celestina. Mahina namang natawa si Cairo dahil sa pag-describe ni Celestina sa lalaking 'yon, habang si Mary naman ay kunwaring walang pakialam kaya hindi sila pinapansin. "Who's Ace?" Tanong pa muli ni Trenz. Mas lalo ng kumunot ang noo nito at muli niyang sinulyapan si Mary na nakayuko na at busy sa kanyang pagkain. "Naaalala mo ‘yung time na nag-stay kami sa private resort mo? Nanduon kami nila Mary nuon, tapos sa kabilang resort may isang lalaking lumapit sa am

