┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Busy ngayon sa cafe ni Ace kaya ang daming ginagawa ni Mary. Hindi na lang niya pinapansin ang tatlong magkakaibigan na kanina pa panay ang bulungan. Binantaan na niya ang tatlong 'yon na kapag ininsulto ulit siya ng mga ito, tatanggalin niya ang mga ito sa trabaho. Pero pananakot lang naman niya 'yon, hindi naman niya 'yon gagawin dahil lang sa manager na siya ngayon. Kaya niyang labanan ang tatlong 'yon ng kahit na sabay-sabay pa ang mga ito ng hindi niya ginagamit ang posisyon niya sa trabaho. "Ma'am Mary, kailangan ko po ng code ninyo. Mali daw kasi 'yung order niya at gusto niyang palitan." Sabi ng kahera, sounding a bit panicked. Nagmamadali namang lumapit si Mary at saka nagtipa sa computer, her fingers flying over the keys. Pagkatapos nuon ay bumalik na siya sa gi

