◄Trenz's POV► Kauuwi lang namin mula sa San Rafael, Bulacan. Maayos naman ang kalagayan ni Cairo, kaya dumiretso na kami sa malaki kong mansyon dito sa Manila. Halos mag-uumaga na nga kung tutuusin, pero parang nasa labanan pa rin ako. Pero kahit nandito na ako, nasa isip ko pa rin si Mary. Hindi ko pa siya pwedeng balikan sa England para unti-untiing suyuin, marami pa akong kailangang tapusin na trabaho sa kumpanya ko rito bago ako bumalik. Kailangan ko ring makita ang anak kong si Austin. Kailangan ko siyang kuhanin sa kaniyang ina at dadalhin ko siya sa England para makasama niya si Mariella. Wala pang kaalam-alam si Mary tungkol sa anak kong si Mariella, pero naniniwala ako na may alam na siya tungkol kay Austin. Gusto ko siyang mapaamo muli. Gusto kong mabawi ang tiwala at pagm

