┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Kuya, okay ka lang?" Tanong ni Celestina nang mapansin niyang tila natutulala si Trenz, nakapako ang tingin sa malayo na para bang may hinahanap, o may taong nakita at nakilala. Sabay silang lumingon ni Joyce sa direksyong tinititigan ng kuya nila. Sinuyod ng mga mata nila ang paligid, pero wala naman silang makita. Walang kakaiba. Walang tao. Walang eksenang dapat pagtuunan ng pansin, kaya nagtataka.sila kung bakit tila namumutla si Trenz. "Kuya?" Mahinang tawag ni Joyce, ramdam ang pag-aalala sa boses nito. Parang biglang naputol kung ano man ang iniisip ni Trenz. Kumurap siya, saka napatingin sa dalawa niyang kapatid, as if just realizing na hindi pala siya nag-iisa. Then, almost instinctively, hinanap ulit ng mga mata niya ang babaeng umagaw ng atensyon niya kanina l

