Chapter 28 -Mary-

1748 Words

❀⊱Mary's POV⊰❀ Nakahiga ako ngayon sa kama, nakatitig lang sa kisame na para bang duon ko mahahanap ang sagot kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Hindi ako pumasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Hindi ko nga alam kung ano exactly ang nararamdaman ko, nahihilo ba ako, pagod lang ba ako, o kung ano pa man, pero ang sigurado ako ay sobrang bigat ng katawan ko. Para bang may nakadagan sa katawan ko na kung anong hindi ko maipaliwanag. Umalis na si Nosgel kanina para pumasok sa trabaho niya. Hinayaan ko na lang siyang umalis nang hindi ko sinasabing hindi maganda ang nararamdaman ko. Ayokong ipagpaliban niya ang araw niya para lang alagaan ako. She has her own responsibilities, her own world to deal with. At saka, kaya ko naman ang sarili ko. At least, iyon ang pinipilit kong pan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD