Chapter 42 Para akong binagsakan mg langit at lupa ng marinig ko ang paghikbi nya. bakit umabot sa ganito, anong ginawa ko para mahalin nya ako ng ganito. Hindi ako perpektong tao at mas maraming higit sa akin, pero hindi ko alam kung anong ginawa kong kabutihan sa past life ko para mahalin ng isang liam sebastian. Ilang segundo kami sa ganung posisyon Nang mahimasmasan ay saka ko lang napagtantong lahat ng empleyado ay nakatingin na sa amin, s**t! Nasa labas pala kami ng opisina nya. Pilit ko tinatanggal ang kamay nya. Pero masyadong mahigpit ang pagkakayapos nya sa bewang ko. " liam..liam ano ba umayos ka tumayo ka jan " umiling sya, napapikit ako sa inis at sa hiya. nakatingin pa rin kasi lahat sila saming dalawa. Para kaming nagpeperform sa entablado at ang lahat ay tutok na tu

