Chapter 23 Pagkatapos kumain ay nagkayayaan silang magshopping. Nagpaalam ako na uuwi na lang kami ni liane, ngunit agad na tumanggi si mommy lalo na si liam. Nakita ko ang inis sa muka ni ingrid na halos pagtulakan na rin akong lumayas. Para akong chaperon kakasunod sakanila , minsan kasi hahatakin nya si mommy sa isang boutique habang nasa kabila nya si liam. Kung minsan aalukin nya ako ng damit dahil muka daw luma ang suot ko. Syempre tatanggi ako ng naka ngiti, kahit bwisit na bwisit na ako. plastik na kung plastik. Napadako naman kami sa toy r us, dali daling tumakbo doon si liane, na agad kong sinundan. Nanlalaki ang mata nya ng makita ang malaking baby alive. Hindi ko pa kasi ito nabibilhan o nadadala sa ganitong mamahalin na laruan. Si mr. Morris ang nagbibili sakanya. Agad n

