Chapter 38 Nagising ako nang makaramdam ng uhaw at gutom. Unti unti ko minulat ang mata. Mag isa na lang sa kama. Akma akong tatayo ng napangiwi ako. Grabe ang sakit ng katawan ko. Feeling ko Nabugbog at nalamog ako. Napahilamos ako ng muka ng maalala ang nangyari kagabi sa amin ni liam. Bago ako matulog nagbihis ako at binihisan si liam mahirap na madatnan pa kami ni liane na hubad. Lumipat ako ng higa sa tabi nya at tuluyan ng nakatulog. Nakaramdam ako ng paginit ng pisngi. Tss feeling teenager. Naligo ako at nagayos ng sarili, napatingin ako sa labas ng makarinig ng maingay at madaming boses. Dahan dahan ko binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang mga kaibigan ni liam. Kumpleto amg kaibigan nya. Si mike, fred, zion at philip. Nagulat ako ng biglang sumigaw sila sa harap ko.

