Chapter 27 Lumipas ang ilang araw na hindi nagparamdam si liam. Ganun din si mr. Morris Hindi ko tuloy mawari yung nararamdaman ko. Parang may kulang. Pag pumapasok ako sa office hinahanap ko si mr. Morris para makausap pero ilang araw na daw hindi pumapasok. Ang huling kita ko sakanya ay yung nakita nya akong sumama kay liam. Sobrang guilty ako sa nagawa ko. Ang hindi pagpaparamdam ni liam ay nagdulot sa akin ng matinding takot. Feeling ko anytime bigla na lang syang susulpot at kukunin ang anak ko. Ilang araw din ako hindi pinatulog ng maayos. Pag uwi ko ay naabutan ko si liane na nanood ng cartoon simommy naman may kausap sa cellphone. Hindi ko na lang pinansin at dumiretsyo sa taas. Wala naman masyado ginawa pero parang nakakapagod ang araw kaya hinatak na rin ako ng antok. Hapun

