Sa bandang sulok ng kwarto ay nakamasid si Jake sa dalagang nanonod ng cartoons sa cellphone habang nakasubsob ang mukha sa mesa. Nakatitig siya dito sa di malamang dahilan. Pinagmasdan niya ang dalaga hanggang sa mapansin niyang papikit pikit na ito. Napapangiti siya sa nakikita, mukhang inaantok na ang kanyang pinagmamasdan. Lalapitan na sana niya ito pero hindi na niya itinuloy, hinayaan na lamang niya makaidlip ang dalaga. Madaling araw nang maalimpungatan si Hannah nang may yumugyog sa balikat niya. Naalimpungatan siya at pupungas pungas na idinilat mga mata niya. Pagtingin niya ay nakatunghay sa kanya si Jake at seryosong sinabi, “Akala ko sasamahan mo ako magbantay ngayon gabi, ang daya mo naman tinulugan mo lang ako eh.” “Ay! sorry can't help it, antok na antok na kasi ako kan

