About ten o'clock in the morning nagising sila Tita Marie at Mama, nakapagluto na ako ng almusal. Pababa na ng hagdan si Tita Marie, habang palinga-linga sa paligid. “Hannah, nakita mo ba si Jake, gising na ba siya?” “Tita! maaga po yata siya nagising, nakapag-jogging na nga po pero bumalik po ulit sa kwarto niya.” “A'right! sige tatawagin ko na lang, aalis tayo ngayon punta tayo SM,” sabi ni Tita Marie saka tumalikod at pumunta na sa room ni Jake. Binalaingan ko si Mama tsaka tinanong, “Ma, sasama ba tayo? Ayoko sana eh dito na lang ako pwede?” “Hannah, nakakahiya naman sa kaibigan ko kung tatanggi tayo.” “Ganon po ba? Okay po sige mag-aayos na po ako.” Umalis na ako papunta sa kwarto para magbihis. *** Samantala, in Jake's room nadatnan siya ng mommy niyang nakaupo sa kama

